Tara! Kwentuhan tayo!

Kabayan, share nyo dito mga kwentong OFW nyo,

Sabay tayong matawa, mainis, at maiyak sa mga kwentong OFW nang bawat isang OFW na nagsusumikap maiahon ang Pamilya.

Makishare na sa mga kwento nyo, at naway maraming mga kababayan natin ang mkapulot ng aral, at masasabi nilang hindi madali maging OFW

MABUHAY ang mga OFW!

send nyo sa facebook account ko as message
include pictures if you want


Thursday, June 30, 2011

Ang Kwento ng aking Buhay OFW

This is the first letter sent from an OFW reader of this blog.

   Ako po si Jeanne fe P. Salubre ng Maco, Compostella Valley Province. Sa unang pagkakataon dito ko lng maihayag ang mga karanasan na dinanas ko bilang OFW na puno ng hirap,pagud,sakit at saya sa buhay na akin natamo. Ang nag tulak sa akin na mangibang bansa ay ang aming kahirapan lalo na ako ang panganay sa anim na magkakapatid. Nag umpisa ito nong namatay ang aming ama, gagawin mo ang lahat para magampanan mo ang tungkulin bilang panganay at matulungan ang akin ina. Umalis ako sa lugar namin at pumunta ng Manila di ko alam kung ano ang nag hihintay sa akin doon basta ang alam ko na maka pag ibang bansa ako. Di ko naranasan ang takot at kaba kung ano mang yari sa akin basta ang nasa isip ko ay matulungan lang ang aking pamilya at mga kapatid ko na makatapos sa pag aaral nila at syempre kunting angat naman sa buhay.
     Nakahanap ako ng pag applayan papunta sa SAUDI....at kampanti ako kasi kakilala ng aking aunty so sabi nila dilikado sa SAUDI pero di ako naniwala kasi ito na yon ang blessings ng aking buhay at matupad na ang aking mga pangarap. Sa buhay kasi minsan lng darating ang swerte kaya grab na wala ng pag alinlangan. Oo totoo swerte talaga ako kasi biruin mo libre ako lahat ang amo nag bayad sa lahat ng gastusin ko paalis ng SAUDI hehehe.. ang saya saya ko noon kasi kung mag bayad ako san naman kaya ako kukuha ng pangbayad kakamatay lng ng akin ama at baon pa kami sa utang. So yon nga to make it the long story short nakaalis ako ng pinas at naka punta sa SAUDI .
       March 14 2002 dumating ako sa SAUDI at ang saya2x ko kasi sa wakas ito na, nag umpisa na ang aking buhay bilang OFW hhehheheh.....may mga kasama din ako mga iba pang mga pilipina , pag baba namin pumasok kami sa isang room na doon namin hintayin ang mag sundo sa amin nag hintay lng din kami doon at nag usap usap tungkol sa buhay ng may buhay......di nag tagal dumating na ang mag susundo sa amin at binigyan kami ng abaya para suot namin kasi bawal daw lumabas na walang abaya dapat maka abaya kami.. natawa kami kasi alam muna una pa lang namin na mag suot ng abaya at balot na balot ang init pa naman . Dumating na kami sa bahay at 5 kaming pilipina mag kasama so hindi masyadong  nakakamiss sa family mo kasi masaya kayong nag kwentuhan sa buhay sa pinas.
           Naka stay ako sa SAUDI ng 4 months sa bahay lang lagi di maka labas kung makalabas lng pag sahuran at makaabaya pa. Sarap ng buhay walang trabaho pero tumatanggap ng sahud hehehe.... pag kain namin puro manok, tutubuan na ata ako ng balahibo sa kakain ng manok.. di rin ito nag tagal kasi darating na ang amo ko at tapos na ang maliligayang araw.. mag tatrabaho na ako bilang nanny hahahayyy buhay...dumating sila at nag stay ng 1month din pag katapos ay sumunod ako sa kanila sa UK at doon na nag umpisa ang kalbaryo ng buhay ko trabaho bilang nanny at di biro ang pagiging nanny sa bata na may edad 4yrs old. 



Ang naging buhay ko sa UK. Ang saya-saya ko ng makarating ako ng UK, sa wakas nasa London na ako makikita ko na rin ang mga magagandang tanawin na sa mga pelikula ko lang nakikita. Hanep, ang laki ng bahay ng bago kong amo. Pero hanggang pangarap lang pala ulit yun, isa na nmang kalbaryo ang aking naranasan. nakakulong lang ako sa bahay, hindi ako pinapayagang makalabas, sunod ka lang ng sunod sa binabantayan mong bata walang pahinga, mula 7am - 10pm. Halos walang oras para kumain, mabakante lang ng sandali ay kung anu-ano na ang inuutos. Kaya minsan nagkukunwari nlng ako na naiihi, pagpasok ko ng banyo, doon na ako kakain ng mansanas kahit papaano ay magkaroon ng laman ang sikmura. Halos araw araw ko yon ginagawa para lng mabuhay .  Ang mga pag kain na kinakain ko ay puro mga tira sa mga amo kung tapos na silang kumain kung wa lang tira tinapay at prutas na lng ang kakainin nag tiis ako  para lang maka pag ipon ng pera at maka padala sa pinas. May mga panahon pa na sasaktan ka ng bata at babastusin pero tiis lang din kasi wala akong laban sa kanila. Wala nga din pala akong kwarto mga gamit ko nakatambak lng sa attic nila at matulog ako sa sahig ng room ng bata na inaalagaan ko. Minsan isama karin sa restaurant na kakain sila at ikaw papakainin mo ang bata at wala man lang pag kain na para sa iyo. Manunuod ka lang na kumakain sila. Mga walang puso. naka pagtiis din ako ng 1yr sa kanila. Nag anap na din ako ng bagong amo at ito ang pinakamasaya kasi kung gaano ako naghirap sa amo ko nong una dito sa pangalawa ay mapag mahal at maunawain at mapagbigay at makisama sa mga tulad ko..













             Sa pangalawa kong amo ay may 4 na anak mga canadian citizen sila nag apply ako bilang katulong sa kanila dito gumanda ang aking buhay. May sarling room ako weekly ang sahud ko dawalang araw ang dayoff ko at monday to thursday lng ako mag trabaho kasi every friday may pupunta sa bahay mag lilinis dati ni lang tagalinis nung wala paako pero pinatuloy parin nila kahit nan dyan na ako sa bahay nila magaan lng ang mga trabaho ko kumpara sa una. Libre ako sa pag kain din at may one month holiday with pay din ako sa kanila. Dito nag umpisa ang magandang buhay naka pag pasyal ako sa lahat na mga pasyalan sa london, nag karoon ako ng mga kaibigan at naka pag padala pa  ako sa pinas ng package. Sinasama nila ako kung lalabas sila, kumakain ako sabay sa pamilya nila para na rin ako isa sa pamilya nila ang turing nila sa akin. Pero di lng nga ako nga tagal sa kanila kasi babalik na sila sa Canada for good na sila doon. Hindi din nila ako pinahirapan sila na ng hanap sa akin ng aking malilipatan ng trabaho. Hanggang 1yr lng din ako sa kanila. pero masaya na din ako kasi may bago na din ako na amo.

>>>itutuloy

4 comments:

  1. Hi Jeanne Fe,

    Sa kabila ng mga pinagdaanan mo, you are still blessed at nalagpasan mo ang pagsubok na yon sa Saudi. I'm you emerged out of that experience as a stronger and better person.

    ReplyDelete
  2. HELLO HINDI PO XA SA SAUDI NAHIRAPAN.. SA LONDON BASAHIN MO ULET.. HALATANG HINDI NGBABASA HAHAHAYS

    ReplyDelete
  3. nalito lang cguro c ana, kasi nka CAPS yung SAUDI, nevertheless, ang thought nman ng comment is nalagpasan ni jeanne fe ang dinanas nya as OFW...
    keep safe mabuhay ang OFW

    -admin pep

    ReplyDelete
  4. salamat po sa pag basa...

    ReplyDelete