Tara! Kwentuhan tayo!

Kabayan, share nyo dito mga kwentong OFW nyo,

Sabay tayong matawa, mainis, at maiyak sa mga kwentong OFW nang bawat isang OFW na nagsusumikap maiahon ang Pamilya.

Makishare na sa mga kwento nyo, at naway maraming mga kababayan natin ang mkapulot ng aral, at masasabi nilang hindi madali maging OFW

MABUHAY ang mga OFW!

send nyo sa facebook account ko as message
include pictures if you want


Saturday, June 18, 2011

Buhay OFW

ano nga ba ang buhay ng isang OFW???

ito ang karaniwang tanong ng mga nagsusumubok na mangibang bayan...

ito rin ang naging unang tanong na pumasok sa isip ko isang taon at isang buwan at dalawampu't limang araw na ang nkaraan.

Oo, isa na rin akong OFW

Sa mga unang mga araw ang medu mabigat, pansin ko sa mga kasama ko, andun ang lungkot sa mga pamilya, asawa, anak, magulang at mga kapatid. marami kasi sa grupo nmin ang unang beses plang na mag-abroad, unang beses na malayo sa mga pamilya, pero ako sanay na ako na malayo sa pamilya dahil sa pinas palipat2 din ang assignment ko, at bihira din kung mkauwi, pero ang nkakaiba lng dito, ay literal talaga na malayo,,gugustuhin mang mkauwi ay hindi puwede.

Pagdaan ng mga araw, unti-unti ng nkakaadjust sa paligid, sa panahon na sobrang init, (umaabot pa ng 50 degrees Celcius) sa mga pagkain na kakaiba, pero nagtitiis sa Kubz, (yung tinapay na kahalintulad sa bibliya)
sa mga ibang lahi na kakaiba din, sa paniniwala, sa lifestyle, sa lahat ng bagay, kinakayang mag-adjust ang mga OFW katulad namin.

Pero kahit gaanong pag-aadjust na ginagawa ng ating mga kababayan, may mga ibang lahi talaga na sobrang angas kung mkapanglait, lalo na sa pagkain natin, harap harapan nilang babastusin ang pagkain natin. masyado  silang vocal sa di nila gusto, pag nkaamoy cla ng bawang na ginigisa, pagsasabihan ka agad, "ano ba yang niluluto mo,kaylangan mo yata ng oxygen nyan, ang sama ng amoy eh" na kung tutuusin ay mas lalanghapin mo pa ang amoy ng bawang buong araw kaysa maamoy mo sila ng isang minuto.

Hindi rin maiiwasan ang discrimination, madalas naming nararanasan yan dito, lalo na sa workplace. kung may opinion ka man halos hindi binibigyan ng pansin o halaga.

On the lighter part,

Masarap din nman ang buhay saudi, lalo na pagdating ng sahod, 3 days bago ang sahod, nkamonitor na sa mga exchange rates. Pagkatanggap ng pera at maganda ang palitan, padala agad sa pinas sa kanya kanyang pamilya, yun ang kagandahan sa buhay saudi. tuwing sahod!

Ngayon ko lang npagtanto na mahirap ang buhay saudi lalo na nung mga 90's pa, hindi pa uso ang internet, chatting at wala pang celphon at texting,,,nagtiya-tiyaga din akong magsulat sa mga kinakapatid ko noon, dalawang babae na nagtratrabaho sa hospital dito sa riyad at jeddah, halos buwan2 kami kung magsulatan para hindi daw malungkot,,tpos minsan pagmedyo nabusy pa ay umaabot ng 3 months bago cla mka reply.
pagtumawag nman pa skedule pa, tpos mag-aagawan pa sa pagsagot, at madalian kasi mahal ang bayad.

Hindi tulad ngayon, may internet na,celpon, at kung ano-anu pang mga paraan na mkapagcommunicate sa mga mahal sa buhay, mas madalas pa ang kwentuhan at mas madali pa. Di hamak na mas nkakabawas ng lungkot ang pag-aabroad ngayon, ang dami pang puedeng paglibangan at pantanggal inip habang nasa bahay, at umiiwas sa init ng araw sa labas.

Ikaw kabayan, anong Kwento mo?


PM nyo sa akin sa yong mga kwentong OFW mo, malungkot,masaya,kakatakot,kakaiba o kakatuwa man,,,basta't halo halong kwento niyo. para ma-i-share din natin sa mga bawat PILIPINO sa buong mundo na proud tayo bilang OFW!
facebook: 'pep poot 
twitter: peps-prieto 
share2 lang mga kabayan!

1 comment:

  1. kabayan,i PM nyo sa akin sa yong mga kwentong OFW mo, malungkot,masaya,kakatakot,kakaiba o kakatuwa man,,,basta't halo halong kwento niyo. para ma-i-share din natin sa mga bawat PILIPINO sa buong mundo na proud tayo bilang OFW!

    facebook: 'pep poot
    email: enginursing@yahoo.com
    twitter: peps-prieto


    share2 lang mga kabayan!

    ReplyDelete