Tara! Kwentuhan tayo!

Kabayan, share nyo dito mga kwentong OFW nyo,

Sabay tayong matawa, mainis, at maiyak sa mga kwentong OFW nang bawat isang OFW na nagsusumikap maiahon ang Pamilya.

Makishare na sa mga kwento nyo, at naway maraming mga kababayan natin ang mkapulot ng aral, at masasabi nilang hindi madali maging OFW

MABUHAY ang mga OFW!

send nyo sa facebook account ko as message
include pictures if you want


Tuesday, June 21, 2011

Buhay OFW 2nd post


DISCRIMINATION? or What?

Pito kaming nkatira sa iisang flat dito sa area namin, apat kaming pinoy at tatlong ibang lahi.
Binarat kami ng aming employer kaya nagtitiis kami na magsiksikan sa iisang flat. Kaming mga pinoy ay nagsiksikan sa isang kwarto na may kalakihan kumpara sa ibang dalawang maliit na kwarto, na kung saan andun sa isang kwarto ang feeling manager na engineer, at nagshare yung dalawang supervisor namin.

kahit mainit basta may piktyur2 smyl pa rin
Pito kami pero iisa lang ang sasakyan namin. malas pa naming mga pinoy kasi wala pa sa aming apat ang may driver's license sa saudi, kaya naglalakad lang kami ng mga apat na kilometro para makapag grocery. halos lingo2 yun ang ginagawa namin,parang ginagawa nlang naming libangan,hindi iniimba ang init ng paligid, kahit gabing-gabi na ay mainit parin  lalo na kung summer, minsan may bunos pang sand storm yun.

Kung mkatiempo kami na mkasabay sa kanila, pagmamadaliin ka pa, kasi ayaw na ayaw nilang maghintay, kaya alerto agad kami, bahala na yung ibang malimutan huwag lang yung mga importante gaya ng bigas at karne, kasi masyadong mabigat yun kung maglalakad pa kami. Pero hindi rin sa lahat ng panahon ganun, kahit nkasakay na kami sa kotse at magpapadaan lang sa bilihan, pagsasabihan ka pa na "hindi mo ako driver!" tama ba nman yun? ihinto mo lang nman ang sasakyan at bababa lang kami pagdadamot pa ng mga kamoteng hilaw na ibang lahi na yan.

Kung sila yung gagamit ng sasakyan, ay malaya silang nkakaikot or nkakagala kahit na nasa oras ng trabaho,
pero kami magpapahatid na nga lang sa banko para magpapalit ng cheke, kailangan mo pang magpaalam sa Project Manager, pahirapan pa, kahit wala diyan ang PM, kailangan pang patawagan sa yo na ngpapaalam ka na gumamit ng kotse. Minsan nkakababa ng moral, parang hindi professional yung mga kausap. 

mahaba-habang lakaran na nman ito
Kaya nga cguro ang dami sa ating mga kababayan ang nkakagawa ng mga kasamaan dahil na rin sa karahasang pinagdadaanan sa mga Ibang lahi na mkahawak lang ng bolpen ay akala mo kung sino na.

Meron na nga akong nagawang Plot kung paano iligpit itong isang kasamhan namin dito.
hehehe, oo mga kabayan, Gumawa ako ng Plot o Set-up kung paano patayin c B2, pero huwag nyong totohanin, itoy isang kwento lamang hango sa mga karanasan, mortal na kasalanan ang pumatay kaya gumawa nlng ako ng Plot kung paano xa mailigpit.Pero paalala lng muli isang katuwaan lang po yung ginawa kung plot.

Huwag po tayong padadaig mga KABAYAN, gawin lang po natin ng maayos ang mga trabaho natin, ipakita natin sa buong mundo, at sa mapang-aping ibang lahi na yan, na PILIPINO TAYO!

MABUHAY ang PILIPINO
MABUHAT  ay OFW!!


>>.abangan sa susunod na post ang Kwento tungkol sa Plot na yun,




No comments:

Post a Comment