Tara! Kwentuhan tayo!

Kabayan, share nyo dito mga kwentong OFW nyo,

Sabay tayong matawa, mainis, at maiyak sa mga kwentong OFW nang bawat isang OFW na nagsusumikap maiahon ang Pamilya.

Makishare na sa mga kwento nyo, at naway maraming mga kababayan natin ang mkapulot ng aral, at masasabi nilang hindi madali maging OFW

MABUHAY ang mga OFW!

send nyo sa facebook account ko as message
include pictures if you want


Tuesday, June 28, 2011

RISKY JOBS

Kabayan, safe ka ba sa pinapasukan mong trabaho?


Protektado ka ba ng mga Health Insurances?


Sumusunod ba ang company mo sa mga Safety Standards?


Ilan lang ito sa mga senaryo ng mga kasamahan nating OFW. May mga kompanya na hindi sumusunod sa mga SAFETY STANDARDS. Gaya na lang ng mga nasa larawan, yung mga laborer ni wala man lang protective uniform, hard hat, safety gloves, safety goggles, safety shoes, body harness. 


Buti na lang at hindi ito ang linya kong trabaho, pero napakasakit isipin na ang mga taong ito ay nagtatrabaho para sa kumpanya, pero binabarat pa sila ng kani-kanilang mga amo. Hindi nman siguro ganon kabigat para sa kanila ang bumili ng mga PPE's o ang Personal Protective Equipments, di ba? Ang kaso, masyado nilang inaalala ang kanilang kikitain, kaya madalas, nababalewala ang ganitong mga bagay.


Sa kaso naman namin, naturingan kaming mga Consultant sa mga proyekto ng Ministry ng Saudi Arabia, pero napagtawanan lang kami ng aming contractor ng tiningnan ang aming mga Health Card. Mas mababa pa daw ang Class ng aming card kesa mga laborer nila. GANUN???nanlaki na lang ang aming mga mata nang malaman namin na pangbasurero lang daw ang Class ng aming Health Card. Nakaramdam kami kahit paano ng panliliit sa aming mga sarili. Professional kaming dinala dito para magtrabaho para sa kanila, pero mga basic benefits kinakait pa.


Naging hamon na rin yun sa amin, na maging maingat sa pangangatawan at sa kalusugan. Talagang bawal ang magkasakit, dahil magastos ang magkasakit, at di lang sa magastos, malayo ka pa sa mga mapag-arugang mga pamilya. Pero walang pinipili ang sakit, kahit sino puedeng tamaan. Sa awa naman ng Poong Maykapal, hanggang ubo't sipon lang kami dito, dahilan na rin sa napakatinding init tuwing summer, at napakalamig nman kapag winter.


Naging aral na din ito sa amin, na maging mapanuri sa mga bagay-bagay, lalong lalo na tungkol sa mga benefits para sa atin na dapat ay binibigay ng mga companyang papasukan. 


Maging Alerto ka, Kabayan!











No comments:

Post a Comment