At ito ang mga unang experience ko pagdating dito sa Saudi.
Lumapag ang Philippine Airlines sa airport ng Riyadh bandang 2pm, mahigit sampung oras na byahe, sulit dn nman ang pagkain sa plane.
Paglabas ng eroplano, nkahiwalay agad ang mga babae sa mga lalaking pasahero,
Nag-uunahan na sa pila sa immigration, ang haba ng pila, 3 lang kami sa aming agency, kaya kami2 narin yung nagsama2 sa pagpila. Ang tagal naming naghintay sa immigration halos inabot kami ng 3 oras bago mkalagpas sa mga teller.
Akala ko ay tapos na ang aking paghihintay,
Hinanap ko kung merong susundo sa akin mula sa employer namin. Nung matawagan ko na ang ibinigay na numer ng agency namin, puro pa walang sumasagot, hanggang sa mayron din sumagot sa mga numerong tinatawagan ko. Wala daw sundo, pinapahanap pa ako ng employer ko ng domestic flyt papuntang qassim. Di ko alam kung anong gagawin, ni hindi ko alam kung paano magsalita ng Arabic, buti nman may magi bang napagtanungan na nkakaintindi ng ingles. Nagpaikot2 pa ako sa airport para hanapin ang domestic, at nang mkarating ako, wala ng flyt papuntang qassim, tinawagan ko ulit yung employer naming at sinabihan ako na magtaxi nlng.
Palakad2 na naman ako, naghahanap ng masasakyang taxi., kung sino-sinong lumalapit sa akin, di ko naman maintindihan ang kanilang sinasabi, binibigay ko nlng yong dala-dala kong papel ng mga numbers at address ng employer ko.
Sa wakas, may nakita na akong taxi, akala ko nman ay aalis na,yun pala, maghahanap pa ng ibang pasaherong maihahatid sa pupuntahan ko, hay naku po! inabot kami ng halos 2 oras sa kakahintay sa mga pasahero. Pilit pa kaming pinagsisiksik sa sasakyan nya..apat kami sa likod ng kotse.. Doon ko unang nkatabi ang mga ibang lahi na nkakahilo nman talaga, kya nakatulog ako sa naamoy ko.
Di ko namalayan kung saan na kami, kasi nga wala akong makita sa labas dahil madilim at kung may usapan man sila di ko rin maintindihan. Nag stop over kami sa isa ng Gasolinahan, at ako nman ay ihing-ihi na, kaya dali2 akong pumasok sa cr ng moske, dahil na rin cguro sa kawalan ng alam sa kulturang muslim, dali2 akong pumatong sa akala koy parang urinal ng mga terminal ng bus sa pinas. At nang umihi na ako, may pumasok na lalaki at naghugas dun sa pinag-ihian ko. Wala pa rin sa isip ko na masama pala sa kanilang kultura ang makitang umiihi,lalo na ng nkatayo, buti nman at hindi ako hinuli ng mga motawa.
Pagkalabas ko ng CR ay tinawag ako ng kasama kong pasahero na ubod ng galante, pumunta kami sa convenience store at pinapili nya ako ng makakain at xa daw ang bahala. Alam kasi nya na kakarating ko plang dito sa saudi kaya xa na ang nagtreat sa akin.
At ngpatuloy na ang aming byahe, mayat'maya pa ay nakarating na kami sa qassim, at isa-isa ng bumababa ang ibang pasahero. Ng ako nlng ang naiwang pasahero ay basta nlng akong binaba sa isang lugar na di ko alam, wala pang katao-tao, at may kadiliman pa ang lugar. Palakad-lakad nlng ako habang hilahila ko ang malaking maleta ko. Lagpas hating gabi na yun, di ko pa matawagan ang employer ko. buti nlng may nakita akong nkaparadang kotse na nagyoyosi. kinatok ko ang kanyang kotse para humingi ng tulong. Mabait nman ang saudian na iyon, isa pala siyang pulis sa riyadh, pero andon lang siya sa burayda dahil sa dumalaw siya sa pamilya nya. binigay ko ang mga numero ng employer ko, at tumugon nman siya at siya na ang tumawag at kumausap. at sa wakas ay masusundo na rin ako, habang nag-hihintay ay nagkwentuhan pa kami, at inabutan din nya ako ng yosi.
at dumating na nga ang sundo ko,
sa wakas nkahinga ako ng maluwag,
ang haba ng araw ko na iyon!
MABUHAY ang OFW

maraming salamat sa pag post ng story ko..
ReplyDeletewalang problema yan kabayan, serbesyong totoo lang
ReplyDeletekung wala kang account sa google, ilagay nyo nlang pangalan mo sa hulihan ng comment nyo, maraming salamat po, at mabuhay ka lowe, naway makapagshare ka pa ng mga kwento mo
-admin