Tara! Kwentuhan tayo!

Kabayan, share nyo dito mga kwentong OFW nyo,

Sabay tayong matawa, mainis, at maiyak sa mga kwentong OFW nang bawat isang OFW na nagsusumikap maiahon ang Pamilya.

Makishare na sa mga kwento nyo, at naway maraming mga kababayan natin ang mkapulot ng aral, at masasabi nilang hindi madali maging OFW

MABUHAY ang mga OFW!

send nyo sa facebook account ko as message
include pictures if you want


Monday, December 12, 2011

A Christmas away from Home (1st release)

Sa mga masasayang mukha...
Sa mga matatamis na ngiti... 
At sa malalakas na tawanan... 
Sa likod ng lahat ng ito ay ang kagustuhan makapiling ang mga mahal sa buhay sa isang mahalagang araw, ang sabay na ipagdiwang ang kapaskohan. Marami sa ating mga kababayan na ganito ang mga sentimento. Lalong-lalo na ang mga katulad kong OFW. Pero kahit ano pa man ang mangyari, gagawa at gagawa talaga ng paraan ang mga pinoy maipagdiwang lang ang PASKO. 

Paano nga ba mag celebrate ng Pasko ang mga OFW???



heto ang ilan sa ating mga kababayan na tumugon sa isang katanungan.




































Merry Christmas &
a Prosperous New Year!!!















































Saturday, December 10, 2011

Ang Pasko ni Biboy

Apat na taon na akong nagpapasko dito sa ibang bansa. Sa lugar pa ng mga taong iba ang pananampalataya. Hindi sine-celebrate and pasko dito sa Kuwait dahil halos karamihan ng mga tao dito ay Muslim. 

Pero sa kagandahang palad, nirerespeto din naman nila ang pag celebrate namin dito sa Kuwait. Kaya kami ay pinapa half-day ng pasok para makapagprepare man lang ng kunting pagkain pang noche buena. 


Kakaiba pa rin yung nasa Pinas ka kasi kasama mo yung mga mahal mo sa buhay sa gabi ng pagsasalu-salo. Dito ang mga kasama mo ay mga katrabaho at kaibigang, katulad ko ring naghahanap ng kunting kasayahan sa araw ng pasko. Kung pagkain man lang ang pag uusapan, wala sa katiting yung mga handa dito. 

Sa paramihan ng pagkain, ay talagang mas marami ang niluluto dito, kaya masasabi ko sa sarili ko, mali pala yung iniisip ko dati nung nasa Pinas pa ako. Kasi ang hinahintay ko lang ay ang pagkain sa noche buena. Kahit kunti lang ang handa, ang pinaka importante pala sa noche buena ay hindi yung busog ka, kundi maging masaya ka kasama yung mahal mo sa buhay na masaya ring kasama ka. 
wieże w kuwejcie
Image via Wikipedia

Sabay mo na nagsisimba, sabay mo na nanood sa labas ng bahay yung mga kumukutitap na ganda ng mga ilaw, ang mga ingay ng mga paputok, ang mga nangangaroling at ang pagbibigay sa kanila ng chocolates, candy o di kaya kunting barya. "thank you, thank you...ang babait ninyo thank you" sambit pa nila. 

Kaya mas lalo akong magsisikap at mangangarap na minsan sa darating na takdang panahon ay makakapiling ko muli ang mga mahal ko sa buhay. Ang aking NANAY, TATAY at aking mga kapatid, sa ARAW NG PASKO.

Merry Christmas!
~Ernest Greg "biboy" Aguirre 
Enhanced by Zemanta

Friday, December 2, 2011

COCA-COLA OFW PROJECT

Talagang masarap malaman at nakakaantig ng puso makakita ng mga eksenang ganito.
Lalong-lalo na ang pagbigay pansin sa mga Overseas Filipino Workers (OFW). Halong saya at kaba habang pinapanood ang Videong ito na alay ng COCA-COLA Phils. para  sa mga OFW na matagal ng hindi nakakauwi ng bansa. Magdadalawang taon palang ako dito sa saudi, ngunit ramdam ko na ang pangungulila sa pamilya, at ang kasabikang makita silang muli.
Simpleng regalo na habang-buhay nilang dadamhin sa kanilang mga puso...
heto po yung video na kakalabas lang.


MABUHAY PO ANG OFW!!!
MALIGAYANG PASKO PO!
SALAMAT sa COCA-COLA

Monday, October 31, 2011

Ang kwento ni Princess Yvet Castor

Ang buhay nga naman ng tao, hindi natin alam kung kailan darating ang mga pagsubok. 

Maaga kaming iniwan ng aming Ama. Namatay po siya dahil sa kidney failure. Bago po siya nalagutan ng hininga ay may iniwan siyang pinakamahalagang mensahe, ''Anak, sayo ko na inaasa ang kinabukasan ng mga kapatid mo, kahit mawala man ako sa mundong ito ay mananatili akong buhay sa puso at isip niyo, alam kung kaya mo yan, sayo ko pinagkakatiwala ang lahat, dahil kung mag asawa ulit ang ina mo magiging kawawa ang mga kapatid mo''. At hanggang sa mawalan nga sya ng hininga ay nakahawak ang mga kamay nya sa kamay ko at may namumu-ong luha sa kanyang mga mata. 



Marami siyang mga pangarap sa akin, na mabigyan ako ng magandang kinabukasan at ang pinaka gusto niyang kurso na magiging nurse ako balang araw. Nang mawala siya ay umiba ang takbo ng buhay namin, ang aking ina ay nakipag relasyon ulit sa ibang lalaki, at pinabayaan nya ang pagiging ina niya sa amin. 


Sa edad na 16 ay napag-desisyonan kong magtrabaho sa Restaurant bilang isang tagahugas ng pinggan, para man lang kahit na paano ay makabili ako ng bigas at ulam para sa mga kapatid ko at masuportahan ko ang pag aaral nila. Ako ang nagtaguyod ng pamilya namin, ako ang tumayong ama at ina sa tatlo kong mga kapatid. 

At sa edad na 19 years old ay napagdesisyonan kong mangibang bansa, dito sa Singapore, para mai-ahon ko sa kahirapan ang aming buhay at mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga kapatid. Luha, pawis, dugo sa mga kamay, gutom, lahat tiniis ko alang alang sa mga kapatid ko. At ang masaklap ay ang mga perang pinapadala ko ay ginagastos ng aking ina sa lalaki niya. Kapag tumawag ako sa pinas, at makakausap ko ang mga kapatid ko ay lagi nilang tinatanong kung kumusta ang buhay ko sa abroad. At pilit akong ngumingiti at humalakhak, at lagi kong sinasabi sa kanila na “Okay lng ako ta, mabait ang amo ko”, pero ang totoo ay kabaliktaran lang ang lahat. Lahat sinakripisyo ko, wala akong makain, at pati basura kinakain ko na para kahit paano ay may lakas akong makapag trabaho.

At dahil hindi ko na matiis ang pag mamaltrato ng aking amo, na parang hayop ang tingin nila sa akin, at muntik na akong gahasain ng anak ng amo ko, ay napagdisisyonan kong lumayas, at pumunta ako sa Philippine Embassy at humingi ng tulong, at sa awa ng Diyos ay natulongan ako ng embahada. 



Nagkaroon ulit ako ng pangalawang amo, sa awa ng Diyos ay mabait ang amo ko. Halos ang lahat kong pinagpaguran ay ipinadala ko lahat sa pinas pero ang mas masakit ay hindi tinatamasa ng mga kapatid ko ang pinaghirapan ko, kundi tinatamasa ng lalaki ng aking Ina.


Parati siyang sumusulat sa akin na my babayaran sa School ang mga kapatid ko, na nasa hospital ang kapatid ko, pero ang totoo ay puro lahat kasinungalingan ang mga sinasabi nya. Nang matapos ang contract ko ay umuwi ako sa pinas na hindi nila alam, gusto ko silang e-surprise. Pero ng madatnan ko ang itsura at sitwasyon ng mga kapatid ko ay napaluha ako, very disapoint ako sa nangyari, at parang sinakluban ako ng langit at lupa. At laking gulat ng aking ina ng makita ako, at napaiyak ang mga kapatid ko sa itsura ko, sobrang payat ko ng umuwi ako. At sabi ng mga kapatid ko ay “bakit ganyan ang itsura mo, bakit hindi ka nalang umuwi noon kung hindi maganda ang buhay mo doon”. Pero ang sagot ko ay "hindi na bali ako ang maghirap at mag tiis, wag lang kayo, sinakrepisyo ko ang lahat para sa inyo, para mabigyan kayo ng magandang kinabukasan”
The Singapore Skyline v2Image via WikipediaUmiyak ang mga kapatid ko, at sa awa ng Diyos, ay nagpupursigi din silang makatapos. At nang makita ako ng ina ko ay napa iyak siya, luha ng pagsisi sa ginawa niya. Ang pagwawaldas ng perang pinaghirapan ko, para lamang sa lalaki niya. Walang namoong galit sa puso at isip ko sa aking ina, dahil kung hindi sa kanya ay wala ako sa mundong ito, utang ko parin ang buhay ko sa kanya. Mahal ko sya dahil ina ko sya. Ngayon nagpapasalamat ako dahil namulat sya sa katotohanan, at napag isip isip nya na mali ang ginawa nya.

At nagdisisyon ako muli na mangibang bansa, at sa awa ng Diyos ay nagbago na ang aking ina, salamat sa Diyos nakapagtapos narin ang dalawa kong kapatid na babae sa kolehiyo. At ang bunso namin ay nag aaral na ngayon sa kolehiyo, nagpapasalamat ako dahil lumaki ang bunso kong kapatid na lalaki na walang bisyo, at gustong maabot ang pangarap sa buhay.


No one is perfect. Kung my mga taong nakagawa man sa atin ng kamalian ay dapat matoto tayong magpatawad, wala tayong karapatan manghusga sa kapwa natin. Pairalin ang positive na pag iisip, ang Diyos ay nakakapagpatawad, ang tao pa kaya? Masarap mabuhay sa mundong ito na walang galit at walang inaapakang iba..


Maraming salamat po sa mga kapwa OFW ko.









Good bless sa lahat.

~Yvet

Enhanced by Zemanta

Sunday, October 30, 2011

'0FW from 2002 till N0W - Maryjane Matias

Ang buhay namin ay mahirap lang, I got married when I was 18 years old ngkaroon ako ng dalawang anak na babae. Mahirap ang mag-asawa ng maaga. Hindi ko naisip na pati kawawang mga anak nadadamay sa hirap ng buhay.


ang aking mga princess
Year 2002 naisipan kong mag-abroad at sa tulong ng pinsan ko nakarating ako dito sa Singapore. Masakit sa kalooban ko na iwan ang mga anak ko. Hindi ko mapigil ang pagpatak ng mga luha ko, pero kailangan kong maging matatag ang itinanim ko sa isip ko I have to do this for the future of my kids at makakatulong na rin sa pamilya ko. Pagdating ko dito sa singapore. Chinese naging amo ko. Tripleng sakit ang naranasan ko. Sa bagong mundo na tinatahak ng buhay ko, ang pakikipagsapalaran sa ibang bansang di mo nakasanayan at sa mga taong di mo kadugo. Tatlo naging alaga ko aged 5, 3, and new born baby. Ang amo ko, inoorasan ang bawat galaw ko, ayaw nila ako mkitang umiiyak kung namimiss  ko ang mga anak ko tumatakbo ako sa banyo gusto ko isigaw isa-isa ang pangalan ng mga anak ko, tuwalya ang ginagamit ko pantakip sa bunganga ko maibsan lang ang bigat ng dibdib ko, pagkatapos ko umiyak maghihilamos ako para di makita ng amo ko. Paglabas ko ng banyo sabi ng amo ko "why you dreaming ah?, you never finish cleaning leh!" Ang sinasagot ko na lang "I got stomachache" ang sbi sa akin "ayah do ur work lah" wala silang pakialam apat na oras lang ang tulog ko gabi-gabi, mabunganga ang amo kong babae, pero nagtiis ako hanggang matapos ang kontrata ko. Bago ako umuwi ng pinas. 


ang aking mga kaibigan
Nag-apply ako papunta Hong Kong pero sa kasamaang palad naloko ako ng agency na pinag-aapplyan ko dito sa Singapore at my connecting branch sila sa pinas. Ang usapan namin ay 18 thousand ang sahod ko, 4 months salary deduction sa Hong Kong at nakapagbayad na ako ng $450 dollar dito sa Singapore. May amo na ako sa HK noon kaya naman nung pagdating ko ng pinas ngreport ako agad sa branch nila sa pinas pero iba na ang rules na sinasabi nila. I have to pay P25,000 and salary deduction for 6 months,  which I have to loan in the airport and will charge me for 50% and I must have relative or friends to be a garantor for my loan. Then I realized that it was a just a hoax and I thought na kung materminate ako, I will lose a lot of money, kaya di na ako tumuloy ng HK. Bumalik ako dito sa singapore at di ko na-refund ang perang ipinambayad ko sa agency pero ok lang, I just trust everything kay God. Then my 2nd employer was a Chinese again. Another pakikisama, mabunganga pa rin ang babaeng amo ko, tatlong batang malalaki na  pero ang bunsong lalaki na 7yrs old ay may pagka-"abs" kung may gusto siya at hindi mo magawa kukuha siya ng kutsilyo at sasabihin "i will kill myself" or papatong siya sa bintana at sasabihin sa akin "i will jump down here in the window". Takot na takot ako kasi they are my responsibility na kung may masamang mangyari sa kanila ako ang may pananagutan. Kinalaunan natuklasan ko na ang katulong na pinalitan ko pala ay nagpakamatay at tumalon sa bintana. Para akong mabaliw nung malaman ko, nagsasalita akong mag-isa sa kuwarto ko kinakausap ko ang kaluluwa ng nagpakamatay na pinalitan ko, yakap ko ang bible at prayer book magdamag. Kaya pala ganun na lang ang bata. kinausap ko ang amo ko sa pinaggagawa ng anak nila para atleast alam nila. Hanggang sa matapos ko ang kontrata ko, lumipat ako ng amo. At sa awa ng ating Panginoon Hesu Kristo. Nagkaroon ako ng expat family itinuring akong part ng family nila, nakapagpatayo narin ako ng munting bahay ko, napatapos ko na rin ang pangalawang bunso naming kapatid ng IT, at tumutulong ako magpaaral sa bunso naming kapatid na ngaun ay kumukuha ng Business Administration. Next year my sarili na rin akong college student, my own daughter. 



Eto na rin po  siguro ang kasagutan ng mga sakripisyo ko. And I know God will help me to survive and to give me strength and guide me sa lahat ng pagkakataon. Maraming salamat po. 


God Bless Us All. ^o^
~ maryjane


Enhanced by Zemanta

Wednesday, October 26, 2011

Ang buhay ko bilang isang OFW- Jenny Villarosa

ang pagpapatuloy


Sa pagka-akala ko na magiging kakampi ko ang mga kapwa ko pinay sa agency, hindi pala bagkos pinagmumura nila ako, at humingi ng pasensya sa amo ko. Nanatili ako sa agency ng anim na araw, naranasan ko ang alilain nila, masakit dahil kapwa ko sila pinay. Pinaglilinis nila ako sa agency, pati bahay nila, akyat sa bub0ng kahit tanghaling tapat para linisin ang bubungan nila. Kumakain sila hindi man lang magbigay o mag-aya man lang, taga timpla ng kape nila, at taga linis pa ng kuko nila. Umiiyak na lang ako habang ngkukuskos ng inodoro nila, mas malupit pa sila kaysa sa ibang lahi.


March 7, bandang alas singko ng hapon, isang madam na medyo may katandaan na ang dumating. Kinuha niya ako, para daw taga alaga ng apo niya, isinama na niya ako. Sabi ko sa sarili ko, "SALAMAT PANGINOON". 


Mukha naman siyang mabait, binili nya ako ng bagong higaan, mga gamit ko. Do0n parang napawi ang lungkot ko dahil para akong may isang pamilya at muling nabuhayan ako ng pag asa. 


Dumating kami ng bahay nila at nadatnan ko ang dalawa nilang katul0ng na Indonesian. Buti ay may kasama ako, tumutul0ng muna ako sa kanila habang tulog ang alaga ko, pero sumusobra din sila, halos sa akin na nila pinapagawa lahat, paglilinis, paglalaba, tapos sila nagkukwentuhan lang. Pinagpapasensyahan ko na lang dahil bago pa lang ako at kailangan kong makisama. Pero habang tumatagal lalong tumitindi ang ginagawa nila sa akin, malimit pa ak0ng awayin at pagtulungan nilang dalawa, wala ako mapagsabihan, ang sakit sakit na ng nararamdaman ko, iniiyak ko nalang, dahil takot ako magsumb0ng dahil baka ako pa ang magkamali, ibalik nila ako ng agency, ayoko ng bumalik dun, kaya tiniis ko na lang. Lage na lang ako dasal na matatapos din lahat ng ito. 
Isang araw may dumating na isang pinay, driver pala siya.Nagkwentuhan kami at binuhos ko lahat ng sama ng lo0b ko sa kanya. Gumaan ang pakiramdam ko, lage na niya akong dinadalaw tuwing umaga, makalipas ng ilang buwan, mga July ay umuwi n ang kaibigan kong driver sa Pilipinas. Ikinagulat ko pagdating ng buwan ng Septyembe ay dumating xa sa bahay. Lumipat pala siya sa mga am0 ko. Buhat noon naging masaya na ako, natatawagan ko na parati ang anak ko, dahil all0wed sa kanya ang cellph0ne, at natapos din ang pang aapi sa akin ng dalawang  Indonesian na katulong.


Until n0w magkakasama pa rin kami dito, pero maraming nagbago, ang dating ako na takot at hndi lumalaban ay naging matatag at matapang. Ngayon kunting buwan nalang at makakauwi na rin ako ng Pilipinas. Naiinip na ako. Pero lage ko sinasabi na mabilis na lang ang araw, makikita ko rin ang pamilya at anak ko.


Masaya ak0ng uuwi ng pinas dahil kahit paan0 mer0n ak0ng nasabi sa pinaghirapan ko mula sa aking sariling dugo at pawis.


Nawa'y isa ako sa makapag palakas ng lo0b ng ating mga kababayan....
SALAMAT SA PANGINOON!!








...MABUHAY ANG OFW....
_jenny
a.k.a _twinkle_
Enhanced by Zemanta

Friday, October 21, 2011

"ang buhay ko bilang isang ofw" - Jenny Villarosa

unang bahagi...

ang anak kong lalaki
Year 2011, buwan ng Pebrero, nilisan ko ang bansang Pilipinas upang makipagsapalaran sa ibang bansa. Dahil sa kahirapan ng buhay sa Pinas at sa kakulangan ng pantawid gutom at pampatid uhaw para sa aking isang anak. Bagamat ako lamang ang bumubuhay sa aking anak, nagpasya pa rin akong mag-ibang bansa at manilbihan bilang isang kasambahay.

Feb 22, 3:45am ang flight ng eroplano papuntang United Arab Emirates (UAE), masaya ako na may halong kaba sa dibdib, dahil hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko pagdating doon. Sa loob ng eroplano ay walang tigil ako sa pag-iyak dahil naiisip ko ang aking anak, Iniisip ko na matagal kaming hindi magkikit, pero nilabanan ko ang sakit na aking nararamdaman dahil para sa kanya din naman itong aking ginagawa.
dubai international airportImage via Wikipedia

Pasadong alas dos na ng hapon ng lumapag ang eroplano sa airport ng Dubai. Agad kong inasikaso ang aking mga papeles para makalabas ng airport.
Bandang alas kuwatro na ng makalabas ako ng airport dahil sa haba ng pila sa immigration. Hindi ko alam kung saan ako pupunta sumusunod lamang ako sa mga pilipina na nakikita kung palabas din. Nang nasa labas na ako, may isang matandang lalaking Arabo ang lumapit sa akin,
pilit nyang kinukuha ang passport ko, ang dami niyang sinasabi pero hindi ko siya maintindihan, dahil nag-aarabic siya at hindi nag-eenglish, kaya nakipag agawan ako dahil ayaw kong ibigay ang passport ko. Pagkatapos nakita ko na my hawak siya ng kopya ng visa ko na my litrato ko, driver pla siya ng agency ko dito sa UAE.

Sinikay niya ako sa ibang van na ang sobrang baho, pagkatapos may dinaanan pa kami na pinick-up niya na mga Pilipina, Ethiopian, Indonesian. Hay naku! lalong bumaho sa loob ng van. 

mga kasama ko sa agency
Nawala panandalian ang takot ko, dahil may kasama na akong kalahi ko. Habang naglalakbay kami patungo ng Ras Al Khaimah (RAK), nai-iyak ako parang gusto ko na muli bumalik ng Pilipinas, naaalala ko ang anak ko. Pasado na alas otso ng gabi na kami nakarating ng agency sa RAK. Dahil as ginabi na kami, kinabukasan nalang daw kami susunduin ng mga magiging mag amo namin.

Kinabukasan, isang Indianong driver ang sumundo sa akin, mabait naman siya, dinala niya ako sa isang hospital para magpamedical at pagkatapos mga bandang alas dos ay tumungo na kami ng Abu Dhabi, ala syete na ng gabi kami nakarating. 

Nadatnan ko ang magiging amo ko, nalula ako sa laki ng bahay nila, at natakot ako sa amo kung babae sa hitsura palang malditang-maldita na, parang yung mga kontrabida sa mga teleserye!May apat silang anak, tatlong lalaki na binatilyo at isang babae na tatlong taon pa lang. 

Pagod ako at puyat, akala ko makakapagpahinga ako, hindi pala. Alas dose na halos ako nakatulog tapos alas kuwatro y media daw ang gising. 

Kinabukasan ng umaga nagsimula nako magtrabaho, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sa sobrang laki ng bahay, nagstart ako sa ibaba, habang naglalaba, pagkatapos ay umakyat ako sa itaas, (mga tatlumpong hakbang ang hagdan) nalulula talaga ako. Limang kuwarto na malalaki, na lahat ay may sarisariling banyo sa loob. Habang naglilinis ako tumutulo ang luha ko, sumisilip ako sa bintana sa itaas, puro malalaking bahay ang nakikita ko pero kahit wala man akong makitang tao.

Gusto ko ng sumuko, para na ak0ng maluluka sa kakaisip. Pagkatapos ko linisin ang mga kuwarto, bumaba na ako at naghihintay sa akin ang tambak na labahin at isang swimming pool na kailangan kung linisin. Alas dose y media na ako natapos, gut0m n gut0m ako, wala namang makain, nakalock ang ref nla, buti na lang may natira pa sa baon kung sky flakes. Makalipas ang isang linggo hindi ko na talaga kaya, kaya kinausap ko ang amo kung lalaki na ibalik nila ako sa agency dahil hindi ko talaga kaya magtrabho sa kanila. Pinagsisigawan at minumura ako ng amo kung babae, pero wala sila magawa binalik ako sa agency dito sa RAK.






>>>itutuloy





Enhanced by Zemanta

Tuesday, August 30, 2011

Go Philippines!


Miss mo na ba ang Pilipinas???


Here are some of the video clips that makes you proud that you are from PHILIPPINES!




Saturday, August 20, 2011

An OFW STORY shared over the internet


Isa ka ba sa amin???

Roofdeck view from Fairways in Fort Bonifacio ...Image via Wikipedia

Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW.
At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa. ..
Nais ko rin ibahagi sa inyo, ang natanggap kong email na ito.
Maaaring makatulong ito upang lalong maintindihan ng bawa't isa ang
tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW. Tiyak na may mapupulot
tayong aral dito.

Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na 'pag OFW o nasa abroad ay
mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P20K-P300K
per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas
malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming
bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa
Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition
ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW - Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang
pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira
para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan
eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis
sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon
kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o
naghihintay sa probinsya. Alam mo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFW
ka eh surely attracts a lot of kin.

Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan
ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga
pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga
Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to
their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi
kawawa naman pamilya 'pag umuwi.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon.
Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis
lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang
nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working
conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay
na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".

Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine.
Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at
nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally
o spiritually man lang.

Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot
at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension,
coronary artery disease and arthritis.. Yet, they continue to work
thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad,
20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa
rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya - ang anak
adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na
kanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"

Bayani ang OFW - Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang
OFW sa maraming bagay.. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor
Contemplacion . Bayani in the truest sense of the word.. Hindi katulad ni
Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang
pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang
suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa
trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o
senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.

Matindi ang OFW - Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches
which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas ng OFW, swerte ng pulitiko - Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng
autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa
sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of
tears. Kapag dumadating, swerte 'pag may sundo( madalas meron). Kapag
naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak.

Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko
nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila
naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng
paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than
favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang
swerte nila.

Matatag ang OFW - Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano
pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at
counter-attacks.. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam
kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?

Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga
anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng
bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng
pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala
mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines , iba pa rin kapag Pinoy
ang kasama mo (except 'pag kupal at utak-talangka) , iba pa rin 'pag
nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang
tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika.." "Mingaw na ko nimo ba,
kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba
pa rin talaga.




Enhanced by Zemanta

Monday, August 15, 2011

OFW ka KUNG...

Para sa lahat ng mga OFW all around the world!
How proud are you being an OFW?
Paano mo masasabing isa kang OFW?

Dugtungan nga natin ang pangungusap na ito



... kung ang mas marami ang ibang currency sa wallet mo kay sa peso bill!






OFW in TAIWAN

Para sa mga kababayan nating mga nasa Taiwan, ano ba ang pinagkaiba nyo sa ibang mga OFW around the world.., sige nga, subukan nyo ngang dugtungan to...



kung marunong kang gumamit ng chop stick? heheeh wala kasi ako sa Taiwan,,,

dugtong na mga kababayan ko sa Taiwan.


Saturday, August 13, 2011

FOR OFW in MIDDLE EAST

Lets try to identify ourselves as 
an OFW in a certain area


LETS start in Middle East...


Continue the Phrase in the Picture (use the comment box)


kung nakakain ka na ng kubz, with egg


- kayo naman, pagandahan ng sagot



Thursday, August 4, 2011

PATIENT 231132

my admission card/appointment card


blood drains
Kinabukasan mula ng ako ay maoperahan, bumalik ang doctor upang tignan ang kalagayan ko, nagulat siya nung malaman niya na marami pa ang dugo na nacollect ng drain. Kaya pinahanda niya ako para isalang sa ultrasound. Nung inu-ultrasound na, maayos naman ang kanilang nakita, wala naman daw blood clot, o ano mang sinyales ng mga pamumuo ng dugo, maliban lang daw sa mga small traces o bahid ng dugo sa aking mga bituka. Pero ginigiit ng doctor na suriin ng mabuti at bakit lumulubo pa rin ang aking tiyan, tpos nung sinuri ulit ng doctor na nag-ultrasound sinabi lang niya na puno lang daw ang aking pantog, kaya naman dali-dali agad ako kinabitan ng catheter para matanggal ang ihi. At pagkatpos nun ay binalik na ako sa akin kuwarto. At binilin ng doctor na kailangan makalakad na ako. Minasahe ng nurse ang aking mga paa, binte at hita para magcondition sa paglalakad, o sa pagtayo man lang. sinubukan muna namin ang paupuin ako sa kama, nagawa ko naman kahit meduyo masakit yung sugat, after 5 mins, sinubukan kong tumayo pero sa sobrang sakit, bigla nalang akong nagcollapse.

team buraydah
Pagkalagpas ng tanghalian, nagsidatingan na ang mga kasama ko sa flat, kasama pa ang ibang mga pinoy sa aming opisina na mula sa kabilang bayan, biyernes kasi, walang trabaho, kaya ngkaroon ng panahon para dumalaw sa akin. 

Kulitan uli, masayang masaya kasi mas marami na sila, walang humpay pa rin sa picture taking sa room ko. Nagdala sila ng mga pagkain na sila lang ang kumain, bawal pa kasi sa akin ang kumain, kahit tubig o numang intake bawal pa sa akin. Kaya pinagtripan na lang ako nga mga kasama ko. 

Mitral valve prolapse 2Image via WikipediaMaya’t maya pa ay dumating na yung doctor ko. Takang-taka xa kung bakit marami pa rin ang dugo na nakukuha ng drain. Kaya inutusan niya ang nurse na ipahanda na ulit ang Operating Theater para muling buksan ang hiwa at suriin muli. Pagdating namin sa OT, sumalubong agad yung Anesthesiologist, at tumanggi siya sa pag-administer kasi meron daw akong MVP (Mitral Valve Prolapse) at nag tachycardia pa ako. Sinabi na lang ng Anesthesiologist na hindi sapat ang gamit ng  kanilang ICU (intensive care unit). Kaya bago pa man lumala, gumawa agad ng referal si Dr. Shawki para mailipat ako sa Government Hospital.

King Saud Hospital

Mga bandang alas 3 ng hapon, nilipat ako sa King Saud Hospital, sinuri agad ang aking mga Vital Signs, sinalang din ako sa ECG(electrocardiograph). Dahil sa aking condition pinapirma ako ng waiver at ng High Risk Operation, na nagsasaad na pumapayag akong ma exploratory laparotomy kahit sa aking heart condition. Ilang minuto lang ay dinala na ako sa OT, at wala na ulit akong maalala, nagising
ako sa recovery room mkalipas ang isang oras, nkapalibot na ulit sa akin ang aking mga kaibigan, groggy pa ako, hindi ko maidilat ang aking mga mata pero naririnig ko sila, at kinakausap ko pa daw yung iba. Nang tuluyan na akong magising, nurse nalang ang andun at nasa ICU pa ako, napansin ko na humaba nga ang hiwa sa aking tagiliran.
after exploratory laparotomy
Uhaw na uhaw ako pero bawal pa ang uminom at kumain, kaya humingi nalang ako ng gauze na may tubig para idampi sa aking tuyot na mga labi. Kinabukasan ng mag rounds ang mga doctor at nurse, sinabi ng isa sa kanila na sa lahat daw na naging pasesyente nila ako lang daw yung nakangiti kahit kakalabas lang ng operating room.

sina Reah at Desuky ang mga night shift nurse,
picture taking muna, bago discharge
kahit pa ika-ika sa paglakad, smile pa rin
Mababait ang mga naging nurse ko sa KSH, sina Jasmine, Reah, Desuky at Suni. Umabot din ako ng 5 araw sa stepped out room ng KSH, o yung tinatawag nila na extension ng ICU. For discharge na ako pagdating ng araw ng Martes, kaso ngkaroon ng hindi pagkakaindihan sa aming opisina kaya ngstay pa ako sa hospital ng dalawa pang araw, pero inadvisan na ako na ilipat nlng ako sa ward para mura lng ang babayaran ko, SR500 kasi ang araw dun sa stepped out, samantalang SR75 lang sa ward. Wala akong ginawa kundi magpalakad-lakad sa lobby para mawala ang bagot, minsan nanonood ng TV, puro nman arabic.
At sa awa ng Diyos, pagdating ng miyerkules ng hapon, nakalabas na ako ng tuluyan sa Hospital.


God is Good all the time!
And All the Time God is Good!






Enhanced by Zemanta