Ang buhay namin ay mahirap lang, I got married when I was 18 years old ngkaroon ako ng dalawang anak na babae. Mahirap ang mag-asawa ng maaga. Hindi ko naisip na pati kawawang mga anak nadadamay sa hirap ng buhay.
Year 2002 naisipan kong mag-abroad at sa tulong ng pinsan ko nakarating ako dito sa Singapore. Masakit sa kalooban ko na iwan ang mga anak ko. Hindi ko mapigil ang pagpatak ng mga luha ko, pero kailangan kong maging matatag ang itinanim ko sa isip ko I have to do this for the future of my kids at makakatulong na rin sa pamilya ko. Pagdating ko dito sa singapore. Chinese naging amo ko. Tripleng sakit ang naranasan ko. Sa bagong mundo na tinatahak ng buhay ko, ang pakikipagsapalaran sa ibang bansang di mo nakasanayan at sa mga taong di mo kadugo. Tatlo naging alaga ko aged 5, 3, and new born baby. Ang amo ko, inoorasan ang bawat galaw ko, ayaw nila ako mkitang umiiyak kung namimiss ko ang mga anak ko tumatakbo ako sa banyo gusto ko isigaw isa-isa ang pangalan ng mga anak ko, tuwalya ang ginagamit ko pantakip sa bunganga ko maibsan lang ang bigat ng dibdib ko, pagkatapos ko umiyak maghihilamos ako para di makita ng amo ko. Paglabas ko ng banyo sabi ng amo ko "why you dreaming ah?, you never finish cleaning leh!" Ang sinasagot ko na lang "I got stomachache" ang sbi sa akin "ayah do ur work lah" wala silang pakialam apat na oras lang ang tulog ko gabi-gabi, mabunganga ang amo kong babae, pero nagtiis ako hanggang matapos ang kontrata ko. Bago ako umuwi ng pinas.
Nag-apply ako papunta Hong Kong pero sa kasamaang palad naloko ako ng agency na pinag-aapplyan ko dito sa Singapore at my connecting branch sila sa pinas. Ang usapan namin ay 18 thousand ang sahod ko, 4 months salary deduction sa Hong Kong at nakapagbayad na ako ng $450 dollar dito sa Singapore. May amo na ako sa HK noon kaya naman nung pagdating ko ng pinas ngreport ako agad sa branch nila sa pinas pero iba na ang rules na sinasabi nila. I have to pay P25,000 and salary deduction for 6 months, which I have to loan in the airport and will charge me for 50% and I must have relative or friends to be a garantor for my loan. Then I realized that it was a just a hoax and I thought na kung materminate ako, I will lose a lot of money, kaya di na ako tumuloy ng HK. Bumalik ako dito sa singapore at di ko na-refund ang perang ipinambayad ko sa agency pero ok lang, I just trust everything kay God. Then my 2nd employer was a Chinese again. Another pakikisama, mabunganga pa rin ang babaeng amo ko, tatlong batang malalaki na pero ang bunsong lalaki na 7yrs old ay may pagka-"abs" kung may gusto siya at hindi mo magawa kukuha siya ng kutsilyo at sasabihin "i will kill myself" or papatong siya sa bintana at sasabihin sa akin "i will jump down here in the window". Takot na takot ako kasi they are my responsibility na kung may masamang mangyari sa kanila ako ang may pananagutan. Kinalaunan natuklasan ko na ang katulong na pinalitan ko pala ay nagpakamatay at tumalon sa bintana. Para akong mabaliw nung malaman ko, nagsasalita akong mag-isa sa kuwarto ko kinakausap ko ang kaluluwa ng nagpakamatay na pinalitan ko, yakap ko ang bible at prayer book magdamag. Kaya pala ganun na lang ang bata. kinausap ko ang amo ko sa pinaggagawa ng anak nila para atleast alam nila. Hanggang sa matapos ko ang kontrata ko, lumipat ako ng amo. At sa awa ng ating Panginoon Hesu Kristo. Nagkaroon ako ng expat family itinuring akong part ng family nila, nakapagpatayo narin ako ng munting bahay ko, napatapos ko na rin ang pangalawang bunso naming kapatid ng IT, at tumutulong ako magpaaral sa bunso naming kapatid na ngaun ay kumukuha ng Business Administration. Next year my sarili na rin akong college student, my own daughter.
Eto na rin po siguro ang kasagutan ng mga sakripisyo ko. And I know God will help me to survive and to give me strength and guide me sa lahat ng pagkakataon. Maraming salamat po.
God Bless Us All. ^o^
~ maryjane
ang aking mga princess |
ang aking mga kaibigan |
Eto na rin po siguro ang kasagutan ng mga sakripisyo ko. And I know God will help me to survive and to give me strength and guide me sa lahat ng pagkakataon. Maraming salamat po.
God Bless Us All. ^o^
~ maryjane
No comments:
Post a Comment