Ang buhay nga naman ng tao, hindi natin alam kung kailan darating ang mga pagsubok.
Maaga kaming iniwan ng aming Ama. Namatay po siya dahil sa kidney failure. Bago po siya nalagutan ng hininga ay may iniwan siyang pinakamahalagang mensahe, ''Anak, sayo ko na inaasa ang kinabukasan ng mga kapatid mo, kahit mawala man ako sa mundong ito ay mananatili akong buhay sa puso at isip niyo, alam kung kaya mo yan, sayo ko pinagkakatiwala ang lahat, dahil kung mag asawa ulit ang ina mo magiging kawawa ang mga kapatid mo''. At hanggang sa mawalan nga sya ng hininga ay nakahawak ang mga kamay nya sa kamay ko at may namumu-ong luha sa kanyang mga mata.
Marami siyang mga pangarap sa akin, na mabigyan ako ng magandang kinabukasan at ang pinaka gusto niyang kurso na magiging nurse ako balang araw. Nang mawala siya ay umiba ang takbo ng buhay namin, ang aking ina ay nakipag relasyon ulit sa ibang lalaki, at pinabayaan nya ang pagiging ina niya sa amin.
Sa edad na 16 ay napag-desisyonan kong magtrabaho sa Restaurant bilang isang tagahugas ng pinggan, para man lang kahit na paano ay makabili ako ng bigas at ulam para sa mga kapatid ko at masuportahan ko ang pag aaral nila. Ako ang nagtaguyod ng pamilya namin, ako ang tumayong ama at ina sa tatlo kong mga kapatid.
At sa edad na 19 years old ay napagdesisyonan kong mangibang bansa, dito sa Singapore, para mai-ahon ko sa kahirapan ang aming buhay at mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga kapatid. Luha, pawis, dugo sa mga kamay, gutom, lahat tiniis ko alang alang sa mga kapatid ko. At ang masaklap ay ang mga perang pinapadala ko ay ginagastos ng aking ina sa lalaki niya. Kapag tumawag ako sa pinas, at makakausap ko ang mga kapatid ko ay lagi nilang tinatanong kung kumusta ang buhay ko sa abroad. At pilit akong ngumingiti at humalakhak, at lagi kong sinasabi sa kanila na “Okay lng ako ta, mabait ang amo ko”, pero ang totoo ay kabaliktaran lang ang lahat. Lahat sinakripisyo ko, wala akong makain, at pati basura kinakain ko na para kahit paano ay may lakas akong makapag trabaho.
At dahil hindi ko na matiis ang pag mamaltrato ng aking amo, na parang hayop ang tingin nila sa akin, at muntik na akong gahasain ng anak ng amo ko, ay napagdisisyonan kong lumayas, at pumunta ako sa Philippine Embassy at humingi ng tulong, at sa awa ng Diyos ay natulongan ako ng embahada.
Nagkaroon ulit ako ng pangalawang amo, sa awa ng Diyos ay mabait ang amo ko. Halos ang lahat kong pinagpaguran ay ipinadala ko lahat sa pinas pero ang mas masakit ay hindi tinatamasa ng mga kapatid ko ang pinaghirapan ko, kundi tinatamasa ng lalaki ng aking Ina.
Parati siyang sumusulat sa akin na my babayaran sa School ang mga kapatid ko, na nasa hospital ang kapatid ko, pero ang totoo ay puro lahat kasinungalingan ang mga sinasabi nya. Nang matapos ang contract ko ay umuwi ako sa pinas na hindi nila alam, gusto ko silang e-surprise. Pero ng madatnan ko ang itsura at sitwasyon ng mga kapatid ko ay napaluha ako, very disapoint ako sa nangyari, at parang sinakluban ako ng langit at lupa. At laking gulat ng aking ina ng makita ako, at napaiyak ang mga kapatid ko sa itsura ko, sobrang payat ko ng umuwi ako. At sabi ng mga kapatid ko ay “bakit ganyan ang itsura mo, bakit hindi ka nalang umuwi noon kung hindi maganda ang buhay mo doon”. Pero ang sagot ko ay "hindi na bali ako ang maghirap at mag tiis, wag lang kayo, sinakrepisyo ko ang lahat para sa inyo, para mabigyan kayo ng magandang kinabukasan”.
Image via WikipediaUmiyak ang mga kapatid ko, at sa awa ng Diyos, ay nagpupursigi din silang makatapos. At nang makita ako ng ina ko ay napa iyak siya, luha ng pagsisi sa ginawa niya. Ang pagwawaldas ng perang pinaghirapan ko, para lamang sa lalaki niya. Walang namoong galit sa puso at isip ko sa aking ina, dahil kung hindi sa kanya ay wala ako sa mundong ito, utang ko parin ang buhay ko sa kanya. Mahal ko sya dahil ina ko sya. Ngayon nagpapasalamat ako dahil namulat sya sa katotohanan, at napag isip isip nya na mali ang ginawa nya.
At nagdisisyon ako muli na mangibang bansa, at sa awa ng Diyos ay nagbago na ang aking ina, salamat sa Diyos nakapagtapos narin ang dalawa kong kapatid na babae sa kolehiyo. At ang bunso namin ay nag aaral na ngayon sa kolehiyo, nagpapasalamat ako dahil lumaki ang bunso kong kapatid na lalaki na walang bisyo, at gustong maabot ang pangarap sa buhay.
No one is perfect. Kung my mga taong nakagawa man sa atin ng kamalian ay dapat matoto tayong magpatawad, wala tayong karapatan manghusga sa kapwa natin. Pairalin ang positive na pag iisip, ang Diyos ay nakakapagpatawad, ang tao pa kaya? Masarap mabuhay sa mundong ito na walang galit at walang inaapakang iba..
Maraming salamat po sa mga kapwa OFW ko.
Good bless sa lahat.
~Yvet
Tara! Kwentuhan tayo!
Kabayan, share nyo dito mga kwentong OFW nyo,
Sabay tayong matawa, mainis, at maiyak sa mga kwentong OFW nang bawat isang OFW na nagsusumikap maiahon ang Pamilya.
Makishare na sa mga kwento nyo, at naway maraming mga kababayan natin ang mkapulot ng aral, at masasabi nilang hindi madali maging OFW
MABUHAY ang mga OFW!
send nyo sa facebook account ko as message
include pictures if you want
FB: 'Pep Poot http://www.facebook.com/pep.poot
Monday, October 31, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
naiyak nman ako sa story mo.more power syo sis at god bless!
ReplyDelete