Tara! Kwentuhan tayo!

Kabayan, share nyo dito mga kwentong OFW nyo,

Sabay tayong matawa, mainis, at maiyak sa mga kwentong OFW nang bawat isang OFW na nagsusumikap maiahon ang Pamilya.

Makishare na sa mga kwento nyo, at naway maraming mga kababayan natin ang mkapulot ng aral, at masasabi nilang hindi madali maging OFW

MABUHAY ang mga OFW!

send nyo sa facebook account ko as message
include pictures if you want


Friday, October 21, 2011

"ang buhay ko bilang isang ofw" - Jenny Villarosa

unang bahagi...

ang anak kong lalaki
Year 2011, buwan ng Pebrero, nilisan ko ang bansang Pilipinas upang makipagsapalaran sa ibang bansa. Dahil sa kahirapan ng buhay sa Pinas at sa kakulangan ng pantawid gutom at pampatid uhaw para sa aking isang anak. Bagamat ako lamang ang bumubuhay sa aking anak, nagpasya pa rin akong mag-ibang bansa at manilbihan bilang isang kasambahay.

Feb 22, 3:45am ang flight ng eroplano papuntang United Arab Emirates (UAE), masaya ako na may halong kaba sa dibdib, dahil hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko pagdating doon. Sa loob ng eroplano ay walang tigil ako sa pag-iyak dahil naiisip ko ang aking anak, Iniisip ko na matagal kaming hindi magkikit, pero nilabanan ko ang sakit na aking nararamdaman dahil para sa kanya din naman itong aking ginagawa.
dubai international airportImage via Wikipedia

Pasadong alas dos na ng hapon ng lumapag ang eroplano sa airport ng Dubai. Agad kong inasikaso ang aking mga papeles para makalabas ng airport.
Bandang alas kuwatro na ng makalabas ako ng airport dahil sa haba ng pila sa immigration. Hindi ko alam kung saan ako pupunta sumusunod lamang ako sa mga pilipina na nakikita kung palabas din. Nang nasa labas na ako, may isang matandang lalaking Arabo ang lumapit sa akin,
pilit nyang kinukuha ang passport ko, ang dami niyang sinasabi pero hindi ko siya maintindihan, dahil nag-aarabic siya at hindi nag-eenglish, kaya nakipag agawan ako dahil ayaw kong ibigay ang passport ko. Pagkatapos nakita ko na my hawak siya ng kopya ng visa ko na my litrato ko, driver pla siya ng agency ko dito sa UAE.

Sinikay niya ako sa ibang van na ang sobrang baho, pagkatapos may dinaanan pa kami na pinick-up niya na mga Pilipina, Ethiopian, Indonesian. Hay naku! lalong bumaho sa loob ng van. 

mga kasama ko sa agency
Nawala panandalian ang takot ko, dahil may kasama na akong kalahi ko. Habang naglalakbay kami patungo ng Ras Al Khaimah (RAK), nai-iyak ako parang gusto ko na muli bumalik ng Pilipinas, naaalala ko ang anak ko. Pasado na alas otso ng gabi na kami nakarating ng agency sa RAK. Dahil as ginabi na kami, kinabukasan nalang daw kami susunduin ng mga magiging mag amo namin.

Kinabukasan, isang Indianong driver ang sumundo sa akin, mabait naman siya, dinala niya ako sa isang hospital para magpamedical at pagkatapos mga bandang alas dos ay tumungo na kami ng Abu Dhabi, ala syete na ng gabi kami nakarating. 

Nadatnan ko ang magiging amo ko, nalula ako sa laki ng bahay nila, at natakot ako sa amo kung babae sa hitsura palang malditang-maldita na, parang yung mga kontrabida sa mga teleserye!May apat silang anak, tatlong lalaki na binatilyo at isang babae na tatlong taon pa lang. 

Pagod ako at puyat, akala ko makakapagpahinga ako, hindi pala. Alas dose na halos ako nakatulog tapos alas kuwatro y media daw ang gising. 

Kinabukasan ng umaga nagsimula nako magtrabaho, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sa sobrang laki ng bahay, nagstart ako sa ibaba, habang naglalaba, pagkatapos ay umakyat ako sa itaas, (mga tatlumpong hakbang ang hagdan) nalulula talaga ako. Limang kuwarto na malalaki, na lahat ay may sarisariling banyo sa loob. Habang naglilinis ako tumutulo ang luha ko, sumisilip ako sa bintana sa itaas, puro malalaking bahay ang nakikita ko pero kahit wala man akong makitang tao.

Gusto ko ng sumuko, para na ak0ng maluluka sa kakaisip. Pagkatapos ko linisin ang mga kuwarto, bumaba na ako at naghihintay sa akin ang tambak na labahin at isang swimming pool na kailangan kung linisin. Alas dose y media na ako natapos, gut0m n gut0m ako, wala namang makain, nakalock ang ref nla, buti na lang may natira pa sa baon kung sky flakes. Makalipas ang isang linggo hindi ko na talaga kaya, kaya kinausap ko ang amo kung lalaki na ibalik nila ako sa agency dahil hindi ko talaga kaya magtrabho sa kanila. Pinagsisigawan at minumura ako ng amo kung babae, pero wala sila magawa binalik ako sa agency dito sa RAK.






>>>itutuloy





Enhanced by Zemanta

No comments:

Post a Comment