Tara! Kwentuhan tayo!

Kabayan, share nyo dito mga kwentong OFW nyo,

Sabay tayong matawa, mainis, at maiyak sa mga kwentong OFW nang bawat isang OFW na nagsusumikap maiahon ang Pamilya.

Makishare na sa mga kwento nyo, at naway maraming mga kababayan natin ang mkapulot ng aral, at masasabi nilang hindi madali maging OFW

MABUHAY ang mga OFW!

send nyo sa facebook account ko as message
include pictures if you want


Saturday, August 13, 2011

FOR OFW in MIDDLE EAST

Lets try to identify ourselves as 
an OFW in a certain area


LETS start in Middle East...


Continue the Phrase in the Picture (use the comment box)


kung nakakain ka na ng kubz, with egg


- kayo naman, pagandahan ng sagot



10 comments:

  1. do you have trouble in posting you comment?
    try to comment as anonymous and simple put your name ryt after your post, tnx

    ReplyDelete
  2. OFW ka sa middle east kung nkapagpahaba ka ng balbas..

    ReplyDelete
  3. kung napapakahirap kang matuto ng pananalita nga mga ARABO.....at ang una mong mamemorize ay "In sha Allah" -biboy

    ReplyDelete
  4. OFW ka kung alam mo na ang tawag sa mga:
    Arabo ay Bolati
    Indiano ay Itik
    Nepali ay Nepal
    Egytian ay Masri
    Filipino ay Pilipini
    at huwag na natin isali dyan kung ano ang ibig sabihin ng LAURA sa wikang pinoy....hehehehh malom???? :D hahahah

    ReplyDelete
  5. hahaha kakaiba nman itong hindi ngpakilalang kababayan natin, mafe mallom sadik..

    ~admin peps

    ReplyDelete
  6. OFW KA SA MIDDLE EAST KUNG RAMDAM MO ANG TAKOT! HEHEHE,

    Napakahirap ng buhay sa saudi! Di bali nang mainit dahil minsan ka lang naman kung makalabas ng Villa. Pag naisipan mong lumabas, ang unang papasok sa isip mo kung ligtas ka bang makakabalik? Di lingid sa ating kaalaman na ang mga Arabo ay mapagsamantala. Kahit lalaki lalo na't maputi,walang balbas, malamang sa malamang pagtitripan ka. Kaya kung lalabas ka ng walang kasama lalo na sa mga lugar na may kalayuan sa centro, 60% ng buhay mo nasa panganib. Kwento ng kababayang malapit sa aming trabaho ''Last 2010 bago magtapos ang taon, isang Pilipino ang lumabas at pumunta sa bayan para mamili ng kanyang basic needs, nag abang sya ng masasakyan sa daan, may huminto na 4x4 pick up at ang driver Arabo at may nakasakay din naman daw na dalawang Indian. Nung bumaba na ang mga Indian, dun na nag umpisa ang kwento. Inaalok daw sya ng pera kapalit ng kanyang pagpayag na makipagtalik dito. At nang pilit syang tumatanggi sa gusto ng arabo, binilisan ang pagpatakbo ng sasakyan hangga't makarating sila sa lugar ng desyerto na wala ng tao. saka sya pilit niyayapos ng Arabo at pilit pagsamantalahan. Maliit lang naman si Kabayan at sa di matapos nyang kwento kung anu talaga ang nangyari, basta ang cgurado lang na nakuha pera nya pati mobile ng arabong yun.

    Kaya sa mga kababayang nasa Middle East..Doble ingat po lalo na't wala tayo sa ating bansa. mabuhay kaTROPAng OFW

    ReplyDelete
  7. salamat kaTROPA, yung sagot mo isang blog na,,hehehe pero tnx na rin sa pagbahagi,,, naranasan ko na ang takot na yan nung baguhan pa ako,mga 3 months plang, pero lakasan lng yan ng loob, wag pasindak at manalig lang sa TAAS!

    ~admin peps

    ReplyDelete
  8. Haha.. yan kasi unang pumasok sa isip ko kaTROPAng Pep, pag Middle East na ang pag uusapan, unang pumapasok ang kaligtasan.

    ReplyDelete
  9. OFW ka sa middle east kung...
    -Alam mo ang ibig sabihin ng asalamalkum, kefahalak, shokran, habibi, mafi malum, at kung ano ano pang arabic words.
    -Naiintindihan mo ang arabo maski ni isa sa sinasabi nila eh walang english word pero alam mo kung ano gusto nila sabihin.
    -Ang tawag mo sa 2nd floor ng building eh 1st floor, ang bahay or condo ay FLAT at ang circle sa kalsada ay ROUND ABOUT.
    -Madalas mo makain ang shawarma, broasted chicken, at chicken biryani dahil yan ang mura na makakain sa middle east.
    -Ang araw ng pahinga ay Biyernes at sanay ka na sa pagsasalah ng mga muslim.
    -Alam mo ang carlift ay isa sa pamamaraan ng pag cocommute sa mid east
    -Alam mo na mas mahal ang isang litro ng tubig kesa sa isang litro ng petrol.

    ReplyDelete
  10. kabayan, natawa ako dun sa 2nd line, kahit parang magkakanosebled na tau sa sinasabi nila pero naiintindihan pa rin natin kahit paano kung ano ibig nilang ipahiwatig,,, isa lang ang di ko pa alam dito... yung carlift,,, tnx fro the info anonymous (august 24)

    ~admin peps

    ReplyDelete