my admission card/appointment card |
blood drains |
Kinabukasan mula ng ako ay maoperahan, bumalik ang doctor upang tignan ang kalagayan ko, nagulat siya nung malaman niya na marami pa ang dugo na nacollect ng drain. Kaya pinahanda niya ako para isalang sa ultrasound. Nung inu-ultrasound na, maayos naman ang kanilang nakita, wala naman daw blood clot, o ano mang sinyales ng mga pamumuo ng dugo, maliban lang daw sa mga small traces o bahid ng dugo sa aking mga bituka. Pero ginigiit ng doctor na suriin ng mabuti at bakit lumulubo pa rin ang aking tiyan, tpos nung sinuri ulit ng doctor na nag-ultrasound sinabi lang niya na puno lang daw ang aking pantog, kaya naman dali-dali agad ako kinabitan ng catheter para matanggal ang ihi. At pagkatpos nun ay binalik na ako sa akin kuwarto. At binilin ng doctor na kailangan makalakad na ako. Minasahe ng nurse ang aking mga paa, binte at hita para magcondition sa paglalakad, o sa pagtayo man lang. sinubukan muna namin ang paupuin ako sa kama, nagawa ko naman kahit meduyo masakit yung sugat, after 5 mins, sinubukan kong tumayo pero sa sobrang sakit, bigla nalang akong nagcollapse.
team buraydah |
Pagkalagpas ng tanghalian, nagsidatingan na ang mga kasama ko sa flat, kasama pa ang ibang mga pinoy sa aming opisina na mula sa kabilang bayan, biyernes kasi, walang trabaho, kaya ngkaroon ng panahon para dumalaw sa akin.
Kulitan uli, masayang masaya kasi mas marami na sila, walang humpay pa rin sa picture taking sa room ko. Nagdala sila ng mga pagkain na sila lang ang kumain, bawal pa kasi sa akin ang kumain, kahit tubig o numang intake bawal pa sa akin. Kaya pinagtripan na lang ako nga mga kasama ko.
Image via WikipediaMaya’t maya pa ay dumating na yung doctor ko. Takang-taka xa kung bakit marami pa rin ang dugo na nakukuha ng drain. Kaya inutusan niya ang nurse na ipahanda na ulit ang Operating Theater para muling buksan ang hiwa at suriin muli. Pagdating namin sa OT, sumalubong agad yung Anesthesiologist, at tumanggi siya sa pag-administer kasi meron daw akong MVP (Mitral Valve Prolapse) at nag tachycardia pa ako. Sinabi na lang ng Anesthesiologist na hindi sapat ang gamit ng kanilang ICU (intensive care unit). Kaya bago pa man lumala, gumawa agad ng referal si Dr. Shawki para mailipat ako sa Government Hospital.
King Saud Hospital |
Mga bandang alas 3 ng hapon, nilipat ako sa King Saud Hospital, sinuri agad ang aking mga Vital Signs, sinalang din ako sa ECG(electrocardiograph). Dahil sa aking condition pinapirma ako ng waiver at ng High Risk Operation, na nagsasaad na pumapayag akong ma exploratory laparotomy kahit sa aking heart condition. Ilang minuto lang ay dinala na ako sa OT, at wala na ulit akong maalala, nagising
ako sa recovery room mkalipas ang isang oras, nkapalibot na ulit sa akin ang aking mga kaibigan, groggy pa ako, hindi ko maidilat ang aking mga mata pero naririnig ko sila, at kinakausap ko pa daw yung iba. Nang tuluyan na akong magising, nurse nalang ang andun at nasa ICU pa ako, napansin ko na humaba nga ang hiwa sa aking tagiliran.
after exploratory laparotomy |
Uhaw na uhaw ako pero bawal pa ang uminom at kumain, kaya humingi nalang ako ng gauze na may tubig para idampi sa aking tuyot na mga labi. Kinabukasan ng mag rounds ang mga doctor at nurse, sinabi ng isa sa kanila na sa lahat daw na naging pasesyente nila ako lang daw yung nakangiti kahit kakalabas lang ng operating room.
sina Reah at Desuky ang mga night shift nurse, picture taking muna, bago discharge |
kahit pa ika-ika sa paglakad, smile pa rin |
Mababait ang mga naging nurse ko sa KSH, sina Jasmine, Reah, Desuky at Suni. Umabot din ako ng 5 araw sa stepped out room ng KSH, o yung tinatawag nila na extension ng ICU. For discharge na ako pagdating ng araw ng Martes, kaso ngkaroon ng hindi pagkakaindihan sa aming opisina kaya ngstay pa ako sa hospital ng dalawa pang araw, pero inadvisan na ako na ilipat nlng ako sa ward para mura lng ang babayaran ko, SR500 kasi ang araw dun sa stepped out, samantalang SR75 lang sa ward. Wala akong ginawa kundi magpalakad-lakad sa lobby para mawala ang bagot, minsan nanonood ng TV, puro nman arabic.
At sa awa ng Diyos, pagdating ng miyerkules ng hapon, nakalabas na ako ng tuluyan sa Hospital.
God is Good all the time!
And All the Time God is Good!
God will open those who knock on His door...God Bless...
ReplyDeleteTnx anonymous
ReplyDelete~admin peps
praise be to God!!!!
ReplyDelete