Tara! Kwentuhan tayo!

Kabayan, share nyo dito mga kwentong OFW nyo,

Sabay tayong matawa, mainis, at maiyak sa mga kwentong OFW nang bawat isang OFW na nagsusumikap maiahon ang Pamilya.

Makishare na sa mga kwento nyo, at naway maraming mga kababayan natin ang mkapulot ng aral, at masasabi nilang hindi madali maging OFW

MABUHAY ang mga OFW!

send nyo sa facebook account ko as message
include pictures if you want


Thursday, June 30, 2011

Ang Kwento ng aking Buhay OFW

This is the first letter sent from an OFW reader of this blog.

   Ako po si Jeanne fe P. Salubre ng Maco, Compostella Valley Province. Sa unang pagkakataon dito ko lng maihayag ang mga karanasan na dinanas ko bilang OFW na puno ng hirap,pagud,sakit at saya sa buhay na akin natamo. Ang nag tulak sa akin na mangibang bansa ay ang aming kahirapan lalo na ako ang panganay sa anim na magkakapatid. Nag umpisa ito nong namatay ang aming ama, gagawin mo ang lahat para magampanan mo ang tungkulin bilang panganay at matulungan ang akin ina. Umalis ako sa lugar namin at pumunta ng Manila di ko alam kung ano ang nag hihintay sa akin doon basta ang alam ko na maka pag ibang bansa ako. Di ko naranasan ang takot at kaba kung ano mang yari sa akin basta ang nasa isip ko ay matulungan lang ang aking pamilya at mga kapatid ko na makatapos sa pag aaral nila at syempre kunting angat naman sa buhay.
     Nakahanap ako ng pag applayan papunta sa SAUDI....at kampanti ako kasi kakilala ng aking aunty so sabi nila dilikado sa SAUDI pero di ako naniwala kasi ito na yon ang blessings ng aking buhay at matupad na ang aking mga pangarap. Sa buhay kasi minsan lng darating ang swerte kaya grab na wala ng pag alinlangan. Oo totoo swerte talaga ako kasi biruin mo libre ako lahat ang amo nag bayad sa lahat ng gastusin ko paalis ng SAUDI hehehe.. ang saya saya ko noon kasi kung mag bayad ako san naman kaya ako kukuha ng pangbayad kakamatay lng ng akin ama at baon pa kami sa utang. So yon nga to make it the long story short nakaalis ako ng pinas at naka punta sa SAUDI .
       March 14 2002 dumating ako sa SAUDI at ang saya2x ko kasi sa wakas ito na, nag umpisa na ang aking buhay bilang OFW hhehheheh.....may mga kasama din ako mga iba pang mga pilipina , pag baba namin pumasok kami sa isang room na doon namin hintayin ang mag sundo sa amin nag hintay lng din kami doon at nag usap usap tungkol sa buhay ng may buhay......di nag tagal dumating na ang mag susundo sa amin at binigyan kami ng abaya para suot namin kasi bawal daw lumabas na walang abaya dapat maka abaya kami.. natawa kami kasi alam muna una pa lang namin na mag suot ng abaya at balot na balot ang init pa naman . Dumating na kami sa bahay at 5 kaming pilipina mag kasama so hindi masyadong  nakakamiss sa family mo kasi masaya kayong nag kwentuhan sa buhay sa pinas.
           Naka stay ako sa SAUDI ng 4 months sa bahay lang lagi di maka labas kung makalabas lng pag sahuran at makaabaya pa. Sarap ng buhay walang trabaho pero tumatanggap ng sahud hehehe.... pag kain namin puro manok, tutubuan na ata ako ng balahibo sa kakain ng manok.. di rin ito nag tagal kasi darating na ang amo ko at tapos na ang maliligayang araw.. mag tatrabaho na ako bilang nanny hahahayyy buhay...dumating sila at nag stay ng 1month din pag katapos ay sumunod ako sa kanila sa UK at doon na nag umpisa ang kalbaryo ng buhay ko trabaho bilang nanny at di biro ang pagiging nanny sa bata na may edad 4yrs old. 



Ang naging buhay ko sa UK. Ang saya-saya ko ng makarating ako ng UK, sa wakas nasa London na ako makikita ko na rin ang mga magagandang tanawin na sa mga pelikula ko lang nakikita. Hanep, ang laki ng bahay ng bago kong amo. Pero hanggang pangarap lang pala ulit yun, isa na nmang kalbaryo ang aking naranasan. nakakulong lang ako sa bahay, hindi ako pinapayagang makalabas, sunod ka lang ng sunod sa binabantayan mong bata walang pahinga, mula 7am - 10pm. Halos walang oras para kumain, mabakante lang ng sandali ay kung anu-ano na ang inuutos. Kaya minsan nagkukunwari nlng ako na naiihi, pagpasok ko ng banyo, doon na ako kakain ng mansanas kahit papaano ay magkaroon ng laman ang sikmura. Halos araw araw ko yon ginagawa para lng mabuhay .  Ang mga pag kain na kinakain ko ay puro mga tira sa mga amo kung tapos na silang kumain kung wa lang tira tinapay at prutas na lng ang kakainin nag tiis ako  para lang maka pag ipon ng pera at maka padala sa pinas. May mga panahon pa na sasaktan ka ng bata at babastusin pero tiis lang din kasi wala akong laban sa kanila. Wala nga din pala akong kwarto mga gamit ko nakatambak lng sa attic nila at matulog ako sa sahig ng room ng bata na inaalagaan ko. Minsan isama karin sa restaurant na kakain sila at ikaw papakainin mo ang bata at wala man lang pag kain na para sa iyo. Manunuod ka lang na kumakain sila. Mga walang puso. naka pagtiis din ako ng 1yr sa kanila. Nag anap na din ako ng bagong amo at ito ang pinakamasaya kasi kung gaano ako naghirap sa amo ko nong una dito sa pangalawa ay mapag mahal at maunawain at mapagbigay at makisama sa mga tulad ko..













             Sa pangalawa kong amo ay may 4 na anak mga canadian citizen sila nag apply ako bilang katulong sa kanila dito gumanda ang aking buhay. May sarling room ako weekly ang sahud ko dawalang araw ang dayoff ko at monday to thursday lng ako mag trabaho kasi every friday may pupunta sa bahay mag lilinis dati ni lang tagalinis nung wala paako pero pinatuloy parin nila kahit nan dyan na ako sa bahay nila magaan lng ang mga trabaho ko kumpara sa una. Libre ako sa pag kain din at may one month holiday with pay din ako sa kanila. Dito nag umpisa ang magandang buhay naka pag pasyal ako sa lahat na mga pasyalan sa london, nag karoon ako ng mga kaibigan at naka pag padala pa  ako sa pinas ng package. Sinasama nila ako kung lalabas sila, kumakain ako sabay sa pamilya nila para na rin ako isa sa pamilya nila ang turing nila sa akin. Pero di lng nga ako nga tagal sa kanila kasi babalik na sila sa Canada for good na sila doon. Hindi din nila ako pinahirapan sila na ng hanap sa akin ng aking malilipatan ng trabaho. Hanggang 1yr lng din ako sa kanila. pero masaya na din ako kasi may bago na din ako na amo.

>>>itutuloy

Tuesday, June 28, 2011

RISKY JOBS

Kabayan, safe ka ba sa pinapasukan mong trabaho?


Protektado ka ba ng mga Health Insurances?


Sumusunod ba ang company mo sa mga Safety Standards?


Ilan lang ito sa mga senaryo ng mga kasamahan nating OFW. May mga kompanya na hindi sumusunod sa mga SAFETY STANDARDS. Gaya na lang ng mga nasa larawan, yung mga laborer ni wala man lang protective uniform, hard hat, safety gloves, safety goggles, safety shoes, body harness. 


Buti na lang at hindi ito ang linya kong trabaho, pero napakasakit isipin na ang mga taong ito ay nagtatrabaho para sa kumpanya, pero binabarat pa sila ng kani-kanilang mga amo. Hindi nman siguro ganon kabigat para sa kanila ang bumili ng mga PPE's o ang Personal Protective Equipments, di ba? Ang kaso, masyado nilang inaalala ang kanilang kikitain, kaya madalas, nababalewala ang ganitong mga bagay.


Sa kaso naman namin, naturingan kaming mga Consultant sa mga proyekto ng Ministry ng Saudi Arabia, pero napagtawanan lang kami ng aming contractor ng tiningnan ang aming mga Health Card. Mas mababa pa daw ang Class ng aming card kesa mga laborer nila. GANUN???nanlaki na lang ang aming mga mata nang malaman namin na pangbasurero lang daw ang Class ng aming Health Card. Nakaramdam kami kahit paano ng panliliit sa aming mga sarili. Professional kaming dinala dito para magtrabaho para sa kanila, pero mga basic benefits kinakait pa.


Naging hamon na rin yun sa amin, na maging maingat sa pangangatawan at sa kalusugan. Talagang bawal ang magkasakit, dahil magastos ang magkasakit, at di lang sa magastos, malayo ka pa sa mga mapag-arugang mga pamilya. Pero walang pinipili ang sakit, kahit sino puedeng tamaan. Sa awa naman ng Poong Maykapal, hanggang ubo't sipon lang kami dito, dahilan na rin sa napakatinding init tuwing summer, at napakalamig nman kapag winter.


Naging aral na din ito sa amin, na maging mapanuri sa mga bagay-bagay, lalong lalo na tungkol sa mga benefits para sa atin na dapat ay binibigay ng mga companyang papasukan. 


Maging Alerto ka, Kabayan!











Monday, June 27, 2011

Leo's Food Treat in Saudi


Mahigit isang taon na ang lumipas ng mag-overtime c leo, ngunit, subalit, datapwat, bakit.. ngayon plang naihanda ang kanyang overtime pay. kaya naman, nagyaya siya na kumain kami sa labas, at para maiba nman ang aming menu!






Sa wakas nkakain na din kami ng restaurant, pero ganun parin, manok at kubos. Nanabik na ang aming mga bibig sa sizzling PORK BELLY, LECHON, DINUGUAN, at marami pang  mga pagkaing pinoy. 
Kahit paano, nasubukan naming mag-enjoy. kahit nilakad lng namin ang restaurant mula sa aming flat. (mabuti nga yun para maraming makain) 


Kakaiba yung mga pagkain dito, kaya nauuwi lang sa manok ang kadalasan nakakin. Gustuhin mang subukan, pero mas ninanais nlng na yung sigurado na na makakain. Mahirap nman kasi pag-oorder ng hindi mo alam, porke masarap lang tingnan, eh masarap na ang lasa.




KAYO MGA KABAYAN
Anong mga kakaibang pagkain sa napuntahan nyong bansa ang inyong nakain??











Friday, June 24, 2011

OUT of BOREDOM (the end part)

Paano Patayin si B2 (ang katapusan)
>>samantala:
Boss: cge isakay na yan, dun natin sa kabilang bangin patatalunin sa medu mataas taas dito!
boggs blag uurghh ahhh uughh blubbb @$8_(_(_))&@#$% ahrhgh patuloy sa pagbagsak c B2

tumatama tama yung katawan ni B2 sa mga bato at malilit na kahoy, at patuloy sa pag gulong pabagsak sa bangin na may mga sandaan talampakan ang lalim! nagkasugat2 at ngkapasa pasa c B2, hanggang sa bumagsak na xa sa pinakadulo ng bangin! maya maya pa ay narinig na nya anga putok ng mga armas!

Rey: huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaggg!!
bratatatatatat
brrrrrrrrrrtttttatatatatatatat
bang bang bang
bratatatatat
brat tat tat tat tat, tatatatat tat tat!

hahahhhahahaha buwahahahahah 
umandar na yung sasakyan! tawanan lang yung mga bonnets at saka c rey!

Rey: hahaha atleast nkaganti man lang tau,ano na kaya ngyari dun? buhay pa kaya yun?? 
boss: cguro puro pasa na ang katawan nun! tpos puro sugat yung mukha! hahaha
Rey: bilisan na natin baka nilalamok na yung c leo,, at bka naghihintay na sila sa bahay!

>> saglit lang

Leo: ang tagal nyo naman? nanlaban pa ba??
Rey: hindi naman, xa pa nga yung nagmamakaawa na sipain ko xa!
Leo: hahaha ano kaya nangyari dun!?/hehe
Rey: yaan mo na yun! diretso na sa bahay at tuloy ang ligaya!!!

>> sa bahay!

buwahahahahah hahahhaa
hehehehe
buwahahahaha

puro tawanan lng ang maririnig sa bahay, kasamang nagkakasiyahan sina Rey, Leo, Peps, Lowe at ang lider ng bonnet gang na si Floro!! pinag-uusapan nila ang kinahihinatnan ni B2!
naabutan na cla ng umaga sa kanilang kwentuhan at kasiyahan!

kinahapunan nun, kahit medu may tama pa, ay hinatid na nila sina peps at floro sa airport, pabalik na cla ng Cebu, at c Lowe nman ay pabalik na ng San Fabian., wala na silang balita kay B2!
>>>wakas<<<

salamat po sa mga sumubaybay

Thursday, June 23, 2011

OUT of BOREDOM (the continuation)

Paano Patayin si B2 (ang pagpapatuloy)


Leo: huwag, maawa kayo, tama na!!(pilit na sabi ni leo dahil may duct tape pa din sa bibig)

bonnets: hahahaha sapol yata ang mga gagong yun!!! hahaha
buwahahahaa 

Boss: cge tayo na, 

B2: saan nyo kami dadalhin??pakawalan nyo kami, maawa naman kau sa amin,,ibibigay namin kung anong kailangan nyo!
Leo: maawa nman kau, maliliit pa yung mga anak ko!(pilit na sabi ni leo dahil may duct tape pa sa bibig)

>>umalis na ang van, patungo sa San Mateo Rizal, ng makarating na sila sa parteng magubat na bundok at malau sa gabahayan, pinababa nila c Leo!

Boss: bumaba ka na! kunin nyo ang lahat nga mga mahahalagang bagay sa kanya! tanggalan nyo na rin nyan ng piring at duct tape at pati tali sa paa!
Leo:  maawa nman kau, maliliit pa yung mga anak ko!
Boss: tanggalan nyo narin nyan isang yan, para makita at makausap nya sa huling sandali itong kasama nya!
B2: leo, anung gagawin nila?
Leo: di ko alam, kung makakaligtas ka, pakisabi nlng sa pamilya ko na mahal ko sila!
Boss: tama na yang drama! cge piringan na yan ulit yung naiwan! at ikaw nman, pag bilang ko ng sampu ay dapat nka kubli ka na sa gubat o di kaya ay nka baba kana sa bangin!
isa!
takbo na!
dalawa!
tatlo!
-
-
-
-
-
-
sampu!
B2: huwagggggg!!!!!(pilit na sigaw dahil may duct tape pa sa bibig)

bratatatatatat
brrrrrrrrrrtttttatatatatatatat
bang bang bang
bratatatatat
brat tat tat tat tat, tatatatat tat tat!

Bonnets: hahahaha, swerte xa kung di xa tinamaan dun! hayaan nlang natin yung mga cobra jan sa gubat at mga mababangis na tigre!

Boss: cge larga na!

>>nang makadaan cla ng isang matarik na bangin na di gaanong mapuno!, biglang pinahinto ng boss ang sasakyan!

Boss: dito na dito na! pababain na yang dalawa!tanggalan na yan ng mga piring!kunin nyo ang mga puedeng pakinabangan dyan!
- mamili na kau! tatalon kau dyan o sisipain namin kau!
Rey: tatalon nlng ako!
B2: ayuko ko pong tumalon!! maawa kayo!
Boss: Yaman din lang na ayaw mong tumalon, puwes, cge talian ang mga paa nyan aty piringan ang mga mata!, at ikaw nman na gustong tumalon, ikaw na yung sumipa sa kasama mo! kung hindi ay pareho namin kayong pagbabarilin!
Rey: ayuko, hindi ko kayang gawin yan,!
Boss: sisipain mo  ba xa o unang gugulong ang ulo mo sa bangin?
B2: cge na rey, sipain mo na ako, para matapos na to!!!

hadukin!!! hyahh!! bloogggzzz

tinadyakan ni rey c B2 sa dibdib at tumilapon at nagpagulong2 sa sa bangin

wraaaaaawww uhhhgghh aahjjjaa blogdsa @#$% ahhh uurrrrghh ahhhh 


                                                        >>>>Itutuloy

Wednesday, June 22, 2011

OUT of BOREDOM

>>>Paalala isang gawa-gawa lang to bunga nga Kabagutan, Katuwaan lang po!


Paano Patayin si B2


>>>ang susunod na mga kwento ay hango sa tunay na kalagayan namin dito!sadyang hindi pinalitan ang mga pangalan para laglagan na to!!!! sadyang ginawang tagalog ang lahat ng usapan para hindi nila maintindhan! hahahaha<<<


B2: gusto kong pumunta ng pilipinas!
Rey: cge ba ipapasyal ka namin sa magagandang beach resort dun, andyan na yung puerto gallera, boracay, el nido..at marami pang magaganda at seksing  bebot!.
B2: gusto ko yan, magkano ba ang aabutin kung pupunta ako ng may kasama..?
Peps: mula sa inyo? o kung nasa pinas ka na?
B2: hindi, yung nasa pinas na ako, magkano yung aabutin na gasto papunta ng boracay,.,
Rey,peps,B2,: blah, blah blah !@%$#$ blah !@@#$& blah )(*^%%%$#%)
B2: ok, hindi nman pala gaanong kalaki ang gastos..cguro dadalhin ko lang yung fiancée ko, saka family ko..

>>>dito na papasok ang eksena kung saan ay magaganap palang!!! nkauwi na ng bansa c rey,leo,peps at louie!<<<

Unang eksena! Patayin sa sindak!

Rey: (ngpadala ng GM) mga pards, kita2 daw tau dito, darating c B2! punta lng kayo dito sa amin sa caloocan para sabay2 na tayong sumundo sa kanya.

>sa caloocan<
Peps: magrent tau ng van para joyride!
Lowe: oo nga, para maipasyal agad natin xa sa moa dun tau kakain..,
Leo: cge kahit sagot ko na ang painom pagkatapos,
Rey: cge kahit dito nlng sa bahay tau mag-inuman sagot ko yung sisig,
Lowe: magandang idea yan, sa akin nalng yung "adds life"
Peps: cge chichiria nlng dn yung sa akin!

>sa NAIA
B2: kumusta mga kaibigan! ang ganda ng pilipinas, kahit summer hindi masyadong mainit! nawa ay magiging maganda ang bakasyon ko dito!
Rey: ba't kaw lng mag-isa? di mo kasama ang pamilya at gf mo?
B2: hindi pinayagan ng companya ang gf ko, tpos takot dn bumyahe ang pamilya ko, dapat mauna nlng daw muna ako para matingnan ang lugar!
Peps: magandang idea nga yan, para atleast maikwento mo sa kanila kung gaano kaganda ang pinas, at saka, kung gaano ito ka init tumanggap ng mga bisita..,
Leo: at hindi lng yan, mabuti rin yan para malaya kang mkagalaw, puede tayong mag bar!

>habang nasa van at nasa kahabaan ng Roxas Blvd.,hindi matraffic kaya tuloy2 ang takbo ng may biglang humarang na isang itim na van, bumaba ang mga nkabonnet at may dalang mga armas !tinutukan yung driver namin saka pinababa,naiwan c rey sa front seat.
"buksan mo ang pinto!" sigaw ng nkabonnet kay leo. pgbukas nya, pumasok ang tatlo pang nka bonnet at may dalang mga telang pampiring!

Peps: Ginoo ko tabang, ayaw mi patya..,
B2: anu ba to? ano to? bakit may ganito? anong ginagawa nyo? anong kailangan nyo?
Leo: anu bang kailangan nyo bka puedeng mapag-usapan to!
Bonnet: sumunod lng kayo sa sasabihin namin para walang masaktan!cge piringan nyo mga sarili nyo!
Lowe: haan nyo kami saksaktan oi!
Bonnet: Tumahimik ka, lumipat kayo sa likod! (sabay turo kay Peps)talian nyong dalawa yan,(utos sa kasamang bonnet)
>>pinasilip kina B2 at Leo ang ginawang pagpiring at pagtatali kay lowe at peps.. pinatakbo na ang sasakyan

B2: akala ko ba magiging masaya ang pagbabakasyon ko dito?anong nangyayari ngayon?
Leo: panapanahon lang yan, natiempuhan lang tau, kaya magdasal kana sa mga pinaniniwalaan mong diyos.
B2: buti nman hindi ko sinama ang gf at pamilya ko,,,

>> naglabas ng duct tape ang isang nka bonnet at ng lalagyan na ang bibig nina peps at lowe, ay piniringan narin c leo at B2, at dito na ang palabas, umaakting na c lowe at peps na parang binubugbog sa may likuran!

bogzzz, ughghh! kapow!! blogg!! baggg!!! uug!@#$^8 ahh uhh!!
Peps; urrrrmmmmmmm urrrrrrrrrrgggggg!! mmmmmmmmrrrrrmmmmM!!!
Lowe: aaaaaagggggggggg mmmmmmrrrrmmmmmmrm mmmmrrrmrmmm !
Leo: tama na yan! maawa kayo sabihin nyo yung kailangan nyo!wag nyo kaming sasaktan!
B2: uu nga, wa nyo kami sasaktan, magbibigay kami kung ano kailangan nyo
Bonnet: tumahimik ka! sabay sampal kay B2! lagyan nyo ng duct tape yan! dito na tinanggal ang mga tali kay leo, peps at lowe at binugbog na nila c B2, yung mga bonnet nman ang nag=aacting na may duct tape sa bibig
bogzzz, ughghh! kapow!! blogg!! baggg!!! uug!@#$^8 ahh uhh!!
urrrrmmmmmmm urrrrrrrrrrgggggg!! mmmmmmmmrrrrrmmmmM!!!plak! sampal dito sampal duon, suntok dito suntok doon!
aaaaaagggggggggg mmmmmmrrrrmmmmmmrm mmmmrrrmrmmm !

>> tumigill ang sasakyan,

Boss: kayong nasa likod bumaba kayo!!!
Peps: teka san nyo kami dadalhin??
Lowe: anong gagawin nyo sa amin?
B2: anung nagyayari?peps?lowe?saan kau?
Boss: alisin nyo ang mga piring nla!
Bonnets: yes boss!
Boss: nakikita nyo ba ang mga talahib na yan??(kahit nasa harap na bahay nila rey!)

Peps/lowe: opo!
Boss: pagbilang ko ng sampu dapat nkatago na kau jan, dahil pagbabarilin namin kayo!!
hahaha
isa!
dalawa!
tumakbo kau hanggang kaya nyo!!
tatlo!
-
-
-
-
-
-
sampu!
B2: huwagggggg!!!!!(pilit na sigaw dahil may duct tape pa sa bibig)

bratatatatatat
brrrrrrrrrrtttttatatatatatatat
bang bang bang
bratatatatat
brat tat tat tat tat, tatatatat tat tat!

                                                                                                                 >>>>ITUTULOY


Tuesday, June 21, 2011

Buhay OFW 2nd post


DISCRIMINATION? or What?

Pito kaming nkatira sa iisang flat dito sa area namin, apat kaming pinoy at tatlong ibang lahi.
Binarat kami ng aming employer kaya nagtitiis kami na magsiksikan sa iisang flat. Kaming mga pinoy ay nagsiksikan sa isang kwarto na may kalakihan kumpara sa ibang dalawang maliit na kwarto, na kung saan andun sa isang kwarto ang feeling manager na engineer, at nagshare yung dalawang supervisor namin.

kahit mainit basta may piktyur2 smyl pa rin
Pito kami pero iisa lang ang sasakyan namin. malas pa naming mga pinoy kasi wala pa sa aming apat ang may driver's license sa saudi, kaya naglalakad lang kami ng mga apat na kilometro para makapag grocery. halos lingo2 yun ang ginagawa namin,parang ginagawa nlang naming libangan,hindi iniimba ang init ng paligid, kahit gabing-gabi na ay mainit parin  lalo na kung summer, minsan may bunos pang sand storm yun.

Kung mkatiempo kami na mkasabay sa kanila, pagmamadaliin ka pa, kasi ayaw na ayaw nilang maghintay, kaya alerto agad kami, bahala na yung ibang malimutan huwag lang yung mga importante gaya ng bigas at karne, kasi masyadong mabigat yun kung maglalakad pa kami. Pero hindi rin sa lahat ng panahon ganun, kahit nkasakay na kami sa kotse at magpapadaan lang sa bilihan, pagsasabihan ka pa na "hindi mo ako driver!" tama ba nman yun? ihinto mo lang nman ang sasakyan at bababa lang kami pagdadamot pa ng mga kamoteng hilaw na ibang lahi na yan.

Kung sila yung gagamit ng sasakyan, ay malaya silang nkakaikot or nkakagala kahit na nasa oras ng trabaho,
pero kami magpapahatid na nga lang sa banko para magpapalit ng cheke, kailangan mo pang magpaalam sa Project Manager, pahirapan pa, kahit wala diyan ang PM, kailangan pang patawagan sa yo na ngpapaalam ka na gumamit ng kotse. Minsan nkakababa ng moral, parang hindi professional yung mga kausap. 

mahaba-habang lakaran na nman ito
Kaya nga cguro ang dami sa ating mga kababayan ang nkakagawa ng mga kasamaan dahil na rin sa karahasang pinagdadaanan sa mga Ibang lahi na mkahawak lang ng bolpen ay akala mo kung sino na.

Meron na nga akong nagawang Plot kung paano iligpit itong isang kasamhan namin dito.
hehehe, oo mga kabayan, Gumawa ako ng Plot o Set-up kung paano patayin c B2, pero huwag nyong totohanin, itoy isang kwento lamang hango sa mga karanasan, mortal na kasalanan ang pumatay kaya gumawa nlng ako ng Plot kung paano xa mailigpit.Pero paalala lng muli isang katuwaan lang po yung ginawa kung plot.

Huwag po tayong padadaig mga KABAYAN, gawin lang po natin ng maayos ang mga trabaho natin, ipakita natin sa buong mundo, at sa mapang-aping ibang lahi na yan, na PILIPINO TAYO!

MABUHAY ang PILIPINO
MABUHAT  ay OFW!!


>>.abangan sa susunod na post ang Kwento tungkol sa Plot na yun,




Monday, June 20, 2011

Ang Kwento ni Lowe


ako itong nka blue at kasama ko c admin peps
First timer kong magsaudi,
At ito ang mga unang experience ko pagdating dito sa Saudi.
Lumapag ang Philippine Airlines sa airport ng Riyadh bandang 2pm, mahigit sampung oras na byahe, sulit dn nman ang pagkain sa plane.
Paglabas ng eroplano, nkahiwalay agad ang mga babae sa mga lalaking pasahero,
Nag-uunahan na sa pila sa immigration, ang haba ng pila, 3 lang kami sa aming agency, kaya kami2 narin yung nagsama2 sa pagpila. Ang tagal naming naghintay sa immigration halos inabot kami ng 3 oras bago mkalagpas sa mga teller.

Akala ko ay tapos na ang aking paghihintay,
Hinanap ko kung merong susundo sa akin mula sa employer namin. Nung matawagan ko na ang ibinigay na numer ng agency namin, puro pa walang sumasagot, hanggang sa mayron din sumagot sa mga numerong tinatawagan ko. Wala daw sundo, pinapahanap pa ako ng employer ko ng domestic flyt papuntang qassim. Di ko alam kung anong gagawin, ni hindi ko alam kung paano magsalita ng Arabic, buti nman may magi bang napagtanungan na nkakaintindi ng ingles. Nagpaikot2 pa ako sa airport para hanapin ang domestic, at nang mkarating ako, wala ng flyt papuntang qassim, tinawagan ko ulit yung employer naming at sinabihan ako na magtaxi nlng.

Palakad2 na naman ako, naghahanap ng masasakyang taxi., kung sino-sinong lumalapit sa akin, di ko naman maintindihan ang kanilang sinasabi, binibigay ko nlng yong dala-dala kong papel ng mga numbers at address ng employer ko.

Sa wakas, may nakita na akong taxi, akala ko nman ay aalis na,yun pala, maghahanap pa ng ibang pasaherong maihahatid sa pupuntahan ko, hay naku po! inabot kami ng halos 2 oras sa kakahintay sa mga pasahero. Pilit pa kaming pinagsisiksik sa sasakyan nya..apat kami sa likod ng kotse.. Doon ko unang nkatabi ang mga ibang lahi na nkakahilo nman talaga, kya nakatulog ako sa naamoy ko.

Di ko namalayan kung saan na kami, kasi nga wala akong makita sa labas dahil madilim at kung may usapan man sila di ko rin maintindihan. Nag stop over kami sa isa ng Gasolinahan, at ako nman ay ihing-ihi na, kaya dali2 akong pumasok sa cr ng moske, dahil na rin cguro sa kawalan ng alam sa kulturang muslim, dali2 akong pumatong sa akala koy parang urinal ng mga terminal ng bus sa pinas. At nang umihi na ako, may pumasok na lalaki at naghugas dun sa pinag-ihian ko. Wala pa rin sa isip ko na masama pala sa kanilang kultura ang makitang umiihi,lalo na ng nkatayo, buti nman at hindi ako hinuli ng mga motawa.

Pagkalabas ko ng CR ay tinawag ako ng kasama kong pasahero na ubod ng galante, pumunta kami sa convenience store at pinapili nya ako ng makakain at xa daw ang bahala. Alam kasi nya na kakarating ko plang dito sa saudi kaya xa na ang nagtreat sa akin.

At ngpatuloy na ang aming byahe, mayat'maya pa ay nakarating na kami sa qassim, at isa-isa ng bumababa ang ibang pasahero. Ng ako nlng ang naiwang pasahero ay basta nlng akong binaba sa isang lugar na di ko alam, wala pang katao-tao, at may kadiliman pa ang lugar. Palakad-lakad nlng ako habang hilahila ko ang malaking maleta ko. Lagpas hating gabi na yun, di ko pa matawagan ang employer ko. buti nlng may nakita akong nkaparadang kotse na nagyoyosi. kinatok ko ang kanyang kotse para humingi ng tulong. Mabait nman ang saudian na iyon, isa pala siyang pulis sa riyadh, pero andon lang siya sa burayda dahil sa dumalaw siya sa pamilya nya. binigay ko ang mga numero ng employer ko, at tumugon nman siya at siya na ang tumawag at kumausap. at sa wakas ay masusundo na rin ako, habang nag-hihintay ay nagkwentuhan pa kami, at inabutan din nya ako ng yosi.

at dumating na nga ang sundo ko,
sa wakas nkahinga ako ng maluwag,
ang haba ng araw ko na iyon!

MABUHAY ang OFW

Happy Father's Day


Ito po ang mga tatay sa aming angkan! 
Proud po kami na Kayo ang naging Tatay namin
kahit yung iba ay di namin nakasama ng matagal
Kasi andun na cla sa Ama natin, 
Na Siyang lumikha sa ating Lahat

Happy Father's Day!

Saturday, June 18, 2011

Buhay OFW

ano nga ba ang buhay ng isang OFW???

ito ang karaniwang tanong ng mga nagsusumubok na mangibang bayan...

ito rin ang naging unang tanong na pumasok sa isip ko isang taon at isang buwan at dalawampu't limang araw na ang nkaraan.

Oo, isa na rin akong OFW

Sa mga unang mga araw ang medu mabigat, pansin ko sa mga kasama ko, andun ang lungkot sa mga pamilya, asawa, anak, magulang at mga kapatid. marami kasi sa grupo nmin ang unang beses plang na mag-abroad, unang beses na malayo sa mga pamilya, pero ako sanay na ako na malayo sa pamilya dahil sa pinas palipat2 din ang assignment ko, at bihira din kung mkauwi, pero ang nkakaiba lng dito, ay literal talaga na malayo,,gugustuhin mang mkauwi ay hindi puwede.

Pagdaan ng mga araw, unti-unti ng nkakaadjust sa paligid, sa panahon na sobrang init, (umaabot pa ng 50 degrees Celcius) sa mga pagkain na kakaiba, pero nagtitiis sa Kubz, (yung tinapay na kahalintulad sa bibliya)
sa mga ibang lahi na kakaiba din, sa paniniwala, sa lifestyle, sa lahat ng bagay, kinakayang mag-adjust ang mga OFW katulad namin.

Pero kahit gaanong pag-aadjust na ginagawa ng ating mga kababayan, may mga ibang lahi talaga na sobrang angas kung mkapanglait, lalo na sa pagkain natin, harap harapan nilang babastusin ang pagkain natin. masyado  silang vocal sa di nila gusto, pag nkaamoy cla ng bawang na ginigisa, pagsasabihan ka agad, "ano ba yang niluluto mo,kaylangan mo yata ng oxygen nyan, ang sama ng amoy eh" na kung tutuusin ay mas lalanghapin mo pa ang amoy ng bawang buong araw kaysa maamoy mo sila ng isang minuto.

Hindi rin maiiwasan ang discrimination, madalas naming nararanasan yan dito, lalo na sa workplace. kung may opinion ka man halos hindi binibigyan ng pansin o halaga.

On the lighter part,

Masarap din nman ang buhay saudi, lalo na pagdating ng sahod, 3 days bago ang sahod, nkamonitor na sa mga exchange rates. Pagkatanggap ng pera at maganda ang palitan, padala agad sa pinas sa kanya kanyang pamilya, yun ang kagandahan sa buhay saudi. tuwing sahod!

Ngayon ko lang npagtanto na mahirap ang buhay saudi lalo na nung mga 90's pa, hindi pa uso ang internet, chatting at wala pang celphon at texting,,,nagtiya-tiyaga din akong magsulat sa mga kinakapatid ko noon, dalawang babae na nagtratrabaho sa hospital dito sa riyad at jeddah, halos buwan2 kami kung magsulatan para hindi daw malungkot,,tpos minsan pagmedyo nabusy pa ay umaabot ng 3 months bago cla mka reply.
pagtumawag nman pa skedule pa, tpos mag-aagawan pa sa pagsagot, at madalian kasi mahal ang bayad.

Hindi tulad ngayon, may internet na,celpon, at kung ano-anu pang mga paraan na mkapagcommunicate sa mga mahal sa buhay, mas madalas pa ang kwentuhan at mas madali pa. Di hamak na mas nkakabawas ng lungkot ang pag-aabroad ngayon, ang dami pang puedeng paglibangan at pantanggal inip habang nasa bahay, at umiiwas sa init ng araw sa labas.

Ikaw kabayan, anong Kwento mo?


PM nyo sa akin sa yong mga kwentong OFW mo, malungkot,masaya,kakatakot,kakaiba o kakatuwa man,,,basta't halo halong kwento niyo. para ma-i-share din natin sa mga bawat PILIPINO sa buong mundo na proud tayo bilang OFW!
facebook: 'pep poot 
twitter: peps-prieto 
share2 lang mga kabayan!