Tara! Kwentuhan tayo!

Kabayan, share nyo dito mga kwentong OFW nyo,

Sabay tayong matawa, mainis, at maiyak sa mga kwentong OFW nang bawat isang OFW na nagsusumikap maiahon ang Pamilya.

Makishare na sa mga kwento nyo, at naway maraming mga kababayan natin ang mkapulot ng aral, at masasabi nilang hindi madali maging OFW

MABUHAY ang mga OFW!

send nyo sa facebook account ko as message
include pictures if you want


Monday, October 31, 2011

Ang kwento ni Princess Yvet Castor

Ang buhay nga naman ng tao, hindi natin alam kung kailan darating ang mga pagsubok. 

Maaga kaming iniwan ng aming Ama. Namatay po siya dahil sa kidney failure. Bago po siya nalagutan ng hininga ay may iniwan siyang pinakamahalagang mensahe, ''Anak, sayo ko na inaasa ang kinabukasan ng mga kapatid mo, kahit mawala man ako sa mundong ito ay mananatili akong buhay sa puso at isip niyo, alam kung kaya mo yan, sayo ko pinagkakatiwala ang lahat, dahil kung mag asawa ulit ang ina mo magiging kawawa ang mga kapatid mo''. At hanggang sa mawalan nga sya ng hininga ay nakahawak ang mga kamay nya sa kamay ko at may namumu-ong luha sa kanyang mga mata. 



Marami siyang mga pangarap sa akin, na mabigyan ako ng magandang kinabukasan at ang pinaka gusto niyang kurso na magiging nurse ako balang araw. Nang mawala siya ay umiba ang takbo ng buhay namin, ang aking ina ay nakipag relasyon ulit sa ibang lalaki, at pinabayaan nya ang pagiging ina niya sa amin. 


Sa edad na 16 ay napag-desisyonan kong magtrabaho sa Restaurant bilang isang tagahugas ng pinggan, para man lang kahit na paano ay makabili ako ng bigas at ulam para sa mga kapatid ko at masuportahan ko ang pag aaral nila. Ako ang nagtaguyod ng pamilya namin, ako ang tumayong ama at ina sa tatlo kong mga kapatid. 

At sa edad na 19 years old ay napagdesisyonan kong mangibang bansa, dito sa Singapore, para mai-ahon ko sa kahirapan ang aming buhay at mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga kapatid. Luha, pawis, dugo sa mga kamay, gutom, lahat tiniis ko alang alang sa mga kapatid ko. At ang masaklap ay ang mga perang pinapadala ko ay ginagastos ng aking ina sa lalaki niya. Kapag tumawag ako sa pinas, at makakausap ko ang mga kapatid ko ay lagi nilang tinatanong kung kumusta ang buhay ko sa abroad. At pilit akong ngumingiti at humalakhak, at lagi kong sinasabi sa kanila na “Okay lng ako ta, mabait ang amo ko”, pero ang totoo ay kabaliktaran lang ang lahat. Lahat sinakripisyo ko, wala akong makain, at pati basura kinakain ko na para kahit paano ay may lakas akong makapag trabaho.

At dahil hindi ko na matiis ang pag mamaltrato ng aking amo, na parang hayop ang tingin nila sa akin, at muntik na akong gahasain ng anak ng amo ko, ay napagdisisyonan kong lumayas, at pumunta ako sa Philippine Embassy at humingi ng tulong, at sa awa ng Diyos ay natulongan ako ng embahada. 



Nagkaroon ulit ako ng pangalawang amo, sa awa ng Diyos ay mabait ang amo ko. Halos ang lahat kong pinagpaguran ay ipinadala ko lahat sa pinas pero ang mas masakit ay hindi tinatamasa ng mga kapatid ko ang pinaghirapan ko, kundi tinatamasa ng lalaki ng aking Ina.


Parati siyang sumusulat sa akin na my babayaran sa School ang mga kapatid ko, na nasa hospital ang kapatid ko, pero ang totoo ay puro lahat kasinungalingan ang mga sinasabi nya. Nang matapos ang contract ko ay umuwi ako sa pinas na hindi nila alam, gusto ko silang e-surprise. Pero ng madatnan ko ang itsura at sitwasyon ng mga kapatid ko ay napaluha ako, very disapoint ako sa nangyari, at parang sinakluban ako ng langit at lupa. At laking gulat ng aking ina ng makita ako, at napaiyak ang mga kapatid ko sa itsura ko, sobrang payat ko ng umuwi ako. At sabi ng mga kapatid ko ay “bakit ganyan ang itsura mo, bakit hindi ka nalang umuwi noon kung hindi maganda ang buhay mo doon”. Pero ang sagot ko ay "hindi na bali ako ang maghirap at mag tiis, wag lang kayo, sinakrepisyo ko ang lahat para sa inyo, para mabigyan kayo ng magandang kinabukasan”
The Singapore Skyline v2Image via WikipediaUmiyak ang mga kapatid ko, at sa awa ng Diyos, ay nagpupursigi din silang makatapos. At nang makita ako ng ina ko ay napa iyak siya, luha ng pagsisi sa ginawa niya. Ang pagwawaldas ng perang pinaghirapan ko, para lamang sa lalaki niya. Walang namoong galit sa puso at isip ko sa aking ina, dahil kung hindi sa kanya ay wala ako sa mundong ito, utang ko parin ang buhay ko sa kanya. Mahal ko sya dahil ina ko sya. Ngayon nagpapasalamat ako dahil namulat sya sa katotohanan, at napag isip isip nya na mali ang ginawa nya.

At nagdisisyon ako muli na mangibang bansa, at sa awa ng Diyos ay nagbago na ang aking ina, salamat sa Diyos nakapagtapos narin ang dalawa kong kapatid na babae sa kolehiyo. At ang bunso namin ay nag aaral na ngayon sa kolehiyo, nagpapasalamat ako dahil lumaki ang bunso kong kapatid na lalaki na walang bisyo, at gustong maabot ang pangarap sa buhay.


No one is perfect. Kung my mga taong nakagawa man sa atin ng kamalian ay dapat matoto tayong magpatawad, wala tayong karapatan manghusga sa kapwa natin. Pairalin ang positive na pag iisip, ang Diyos ay nakakapagpatawad, ang tao pa kaya? Masarap mabuhay sa mundong ito na walang galit at walang inaapakang iba..


Maraming salamat po sa mga kapwa OFW ko.









Good bless sa lahat.

~Yvet

Enhanced by Zemanta

Sunday, October 30, 2011

'0FW from 2002 till N0W - Maryjane Matias

Ang buhay namin ay mahirap lang, I got married when I was 18 years old ngkaroon ako ng dalawang anak na babae. Mahirap ang mag-asawa ng maaga. Hindi ko naisip na pati kawawang mga anak nadadamay sa hirap ng buhay.


ang aking mga princess
Year 2002 naisipan kong mag-abroad at sa tulong ng pinsan ko nakarating ako dito sa Singapore. Masakit sa kalooban ko na iwan ang mga anak ko. Hindi ko mapigil ang pagpatak ng mga luha ko, pero kailangan kong maging matatag ang itinanim ko sa isip ko I have to do this for the future of my kids at makakatulong na rin sa pamilya ko. Pagdating ko dito sa singapore. Chinese naging amo ko. Tripleng sakit ang naranasan ko. Sa bagong mundo na tinatahak ng buhay ko, ang pakikipagsapalaran sa ibang bansang di mo nakasanayan at sa mga taong di mo kadugo. Tatlo naging alaga ko aged 5, 3, and new born baby. Ang amo ko, inoorasan ang bawat galaw ko, ayaw nila ako mkitang umiiyak kung namimiss  ko ang mga anak ko tumatakbo ako sa banyo gusto ko isigaw isa-isa ang pangalan ng mga anak ko, tuwalya ang ginagamit ko pantakip sa bunganga ko maibsan lang ang bigat ng dibdib ko, pagkatapos ko umiyak maghihilamos ako para di makita ng amo ko. Paglabas ko ng banyo sabi ng amo ko "why you dreaming ah?, you never finish cleaning leh!" Ang sinasagot ko na lang "I got stomachache" ang sbi sa akin "ayah do ur work lah" wala silang pakialam apat na oras lang ang tulog ko gabi-gabi, mabunganga ang amo kong babae, pero nagtiis ako hanggang matapos ang kontrata ko. Bago ako umuwi ng pinas. 


ang aking mga kaibigan
Nag-apply ako papunta Hong Kong pero sa kasamaang palad naloko ako ng agency na pinag-aapplyan ko dito sa Singapore at my connecting branch sila sa pinas. Ang usapan namin ay 18 thousand ang sahod ko, 4 months salary deduction sa Hong Kong at nakapagbayad na ako ng $450 dollar dito sa Singapore. May amo na ako sa HK noon kaya naman nung pagdating ko ng pinas ngreport ako agad sa branch nila sa pinas pero iba na ang rules na sinasabi nila. I have to pay P25,000 and salary deduction for 6 months,  which I have to loan in the airport and will charge me for 50% and I must have relative or friends to be a garantor for my loan. Then I realized that it was a just a hoax and I thought na kung materminate ako, I will lose a lot of money, kaya di na ako tumuloy ng HK. Bumalik ako dito sa singapore at di ko na-refund ang perang ipinambayad ko sa agency pero ok lang, I just trust everything kay God. Then my 2nd employer was a Chinese again. Another pakikisama, mabunganga pa rin ang babaeng amo ko, tatlong batang malalaki na  pero ang bunsong lalaki na 7yrs old ay may pagka-"abs" kung may gusto siya at hindi mo magawa kukuha siya ng kutsilyo at sasabihin "i will kill myself" or papatong siya sa bintana at sasabihin sa akin "i will jump down here in the window". Takot na takot ako kasi they are my responsibility na kung may masamang mangyari sa kanila ako ang may pananagutan. Kinalaunan natuklasan ko na ang katulong na pinalitan ko pala ay nagpakamatay at tumalon sa bintana. Para akong mabaliw nung malaman ko, nagsasalita akong mag-isa sa kuwarto ko kinakausap ko ang kaluluwa ng nagpakamatay na pinalitan ko, yakap ko ang bible at prayer book magdamag. Kaya pala ganun na lang ang bata. kinausap ko ang amo ko sa pinaggagawa ng anak nila para atleast alam nila. Hanggang sa matapos ko ang kontrata ko, lumipat ako ng amo. At sa awa ng ating Panginoon Hesu Kristo. Nagkaroon ako ng expat family itinuring akong part ng family nila, nakapagpatayo narin ako ng munting bahay ko, napatapos ko na rin ang pangalawang bunso naming kapatid ng IT, at tumutulong ako magpaaral sa bunso naming kapatid na ngaun ay kumukuha ng Business Administration. Next year my sarili na rin akong college student, my own daughter. 



Eto na rin po  siguro ang kasagutan ng mga sakripisyo ko. And I know God will help me to survive and to give me strength and guide me sa lahat ng pagkakataon. Maraming salamat po. 


God Bless Us All. ^o^
~ maryjane


Enhanced by Zemanta

Wednesday, October 26, 2011

Ang buhay ko bilang isang OFW- Jenny Villarosa

ang pagpapatuloy


Sa pagka-akala ko na magiging kakampi ko ang mga kapwa ko pinay sa agency, hindi pala bagkos pinagmumura nila ako, at humingi ng pasensya sa amo ko. Nanatili ako sa agency ng anim na araw, naranasan ko ang alilain nila, masakit dahil kapwa ko sila pinay. Pinaglilinis nila ako sa agency, pati bahay nila, akyat sa bub0ng kahit tanghaling tapat para linisin ang bubungan nila. Kumakain sila hindi man lang magbigay o mag-aya man lang, taga timpla ng kape nila, at taga linis pa ng kuko nila. Umiiyak na lang ako habang ngkukuskos ng inodoro nila, mas malupit pa sila kaysa sa ibang lahi.


March 7, bandang alas singko ng hapon, isang madam na medyo may katandaan na ang dumating. Kinuha niya ako, para daw taga alaga ng apo niya, isinama na niya ako. Sabi ko sa sarili ko, "SALAMAT PANGINOON". 


Mukha naman siyang mabait, binili nya ako ng bagong higaan, mga gamit ko. Do0n parang napawi ang lungkot ko dahil para akong may isang pamilya at muling nabuhayan ako ng pag asa. 


Dumating kami ng bahay nila at nadatnan ko ang dalawa nilang katul0ng na Indonesian. Buti ay may kasama ako, tumutul0ng muna ako sa kanila habang tulog ang alaga ko, pero sumusobra din sila, halos sa akin na nila pinapagawa lahat, paglilinis, paglalaba, tapos sila nagkukwentuhan lang. Pinagpapasensyahan ko na lang dahil bago pa lang ako at kailangan kong makisama. Pero habang tumatagal lalong tumitindi ang ginagawa nila sa akin, malimit pa ak0ng awayin at pagtulungan nilang dalawa, wala ako mapagsabihan, ang sakit sakit na ng nararamdaman ko, iniiyak ko nalang, dahil takot ako magsumb0ng dahil baka ako pa ang magkamali, ibalik nila ako ng agency, ayoko ng bumalik dun, kaya tiniis ko na lang. Lage na lang ako dasal na matatapos din lahat ng ito. 
Isang araw may dumating na isang pinay, driver pala siya.Nagkwentuhan kami at binuhos ko lahat ng sama ng lo0b ko sa kanya. Gumaan ang pakiramdam ko, lage na niya akong dinadalaw tuwing umaga, makalipas ng ilang buwan, mga July ay umuwi n ang kaibigan kong driver sa Pilipinas. Ikinagulat ko pagdating ng buwan ng Septyembe ay dumating xa sa bahay. Lumipat pala siya sa mga am0 ko. Buhat noon naging masaya na ako, natatawagan ko na parati ang anak ko, dahil all0wed sa kanya ang cellph0ne, at natapos din ang pang aapi sa akin ng dalawang  Indonesian na katulong.


Until n0w magkakasama pa rin kami dito, pero maraming nagbago, ang dating ako na takot at hndi lumalaban ay naging matatag at matapang. Ngayon kunting buwan nalang at makakauwi na rin ako ng Pilipinas. Naiinip na ako. Pero lage ko sinasabi na mabilis na lang ang araw, makikita ko rin ang pamilya at anak ko.


Masaya ak0ng uuwi ng pinas dahil kahit paan0 mer0n ak0ng nasabi sa pinaghirapan ko mula sa aking sariling dugo at pawis.


Nawa'y isa ako sa makapag palakas ng lo0b ng ating mga kababayan....
SALAMAT SA PANGINOON!!








...MABUHAY ANG OFW....
_jenny
a.k.a _twinkle_
Enhanced by Zemanta

Friday, October 21, 2011

"ang buhay ko bilang isang ofw" - Jenny Villarosa

unang bahagi...

ang anak kong lalaki
Year 2011, buwan ng Pebrero, nilisan ko ang bansang Pilipinas upang makipagsapalaran sa ibang bansa. Dahil sa kahirapan ng buhay sa Pinas at sa kakulangan ng pantawid gutom at pampatid uhaw para sa aking isang anak. Bagamat ako lamang ang bumubuhay sa aking anak, nagpasya pa rin akong mag-ibang bansa at manilbihan bilang isang kasambahay.

Feb 22, 3:45am ang flight ng eroplano papuntang United Arab Emirates (UAE), masaya ako na may halong kaba sa dibdib, dahil hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko pagdating doon. Sa loob ng eroplano ay walang tigil ako sa pag-iyak dahil naiisip ko ang aking anak, Iniisip ko na matagal kaming hindi magkikit, pero nilabanan ko ang sakit na aking nararamdaman dahil para sa kanya din naman itong aking ginagawa.
dubai international airportImage via Wikipedia

Pasadong alas dos na ng hapon ng lumapag ang eroplano sa airport ng Dubai. Agad kong inasikaso ang aking mga papeles para makalabas ng airport.
Bandang alas kuwatro na ng makalabas ako ng airport dahil sa haba ng pila sa immigration. Hindi ko alam kung saan ako pupunta sumusunod lamang ako sa mga pilipina na nakikita kung palabas din. Nang nasa labas na ako, may isang matandang lalaking Arabo ang lumapit sa akin,
pilit nyang kinukuha ang passport ko, ang dami niyang sinasabi pero hindi ko siya maintindihan, dahil nag-aarabic siya at hindi nag-eenglish, kaya nakipag agawan ako dahil ayaw kong ibigay ang passport ko. Pagkatapos nakita ko na my hawak siya ng kopya ng visa ko na my litrato ko, driver pla siya ng agency ko dito sa UAE.

Sinikay niya ako sa ibang van na ang sobrang baho, pagkatapos may dinaanan pa kami na pinick-up niya na mga Pilipina, Ethiopian, Indonesian. Hay naku! lalong bumaho sa loob ng van. 

mga kasama ko sa agency
Nawala panandalian ang takot ko, dahil may kasama na akong kalahi ko. Habang naglalakbay kami patungo ng Ras Al Khaimah (RAK), nai-iyak ako parang gusto ko na muli bumalik ng Pilipinas, naaalala ko ang anak ko. Pasado na alas otso ng gabi na kami nakarating ng agency sa RAK. Dahil as ginabi na kami, kinabukasan nalang daw kami susunduin ng mga magiging mag amo namin.

Kinabukasan, isang Indianong driver ang sumundo sa akin, mabait naman siya, dinala niya ako sa isang hospital para magpamedical at pagkatapos mga bandang alas dos ay tumungo na kami ng Abu Dhabi, ala syete na ng gabi kami nakarating. 

Nadatnan ko ang magiging amo ko, nalula ako sa laki ng bahay nila, at natakot ako sa amo kung babae sa hitsura palang malditang-maldita na, parang yung mga kontrabida sa mga teleserye!May apat silang anak, tatlong lalaki na binatilyo at isang babae na tatlong taon pa lang. 

Pagod ako at puyat, akala ko makakapagpahinga ako, hindi pala. Alas dose na halos ako nakatulog tapos alas kuwatro y media daw ang gising. 

Kinabukasan ng umaga nagsimula nako magtrabaho, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sa sobrang laki ng bahay, nagstart ako sa ibaba, habang naglalaba, pagkatapos ay umakyat ako sa itaas, (mga tatlumpong hakbang ang hagdan) nalulula talaga ako. Limang kuwarto na malalaki, na lahat ay may sarisariling banyo sa loob. Habang naglilinis ako tumutulo ang luha ko, sumisilip ako sa bintana sa itaas, puro malalaking bahay ang nakikita ko pero kahit wala man akong makitang tao.

Gusto ko ng sumuko, para na ak0ng maluluka sa kakaisip. Pagkatapos ko linisin ang mga kuwarto, bumaba na ako at naghihintay sa akin ang tambak na labahin at isang swimming pool na kailangan kung linisin. Alas dose y media na ako natapos, gut0m n gut0m ako, wala namang makain, nakalock ang ref nla, buti na lang may natira pa sa baon kung sky flakes. Makalipas ang isang linggo hindi ko na talaga kaya, kaya kinausap ko ang amo kung lalaki na ibalik nila ako sa agency dahil hindi ko talaga kaya magtrabho sa kanila. Pinagsisigawan at minumura ako ng amo kung babae, pero wala sila magawa binalik ako sa agency dito sa RAK.






>>>itutuloy





Enhanced by Zemanta