Protektado ka ba ng mga Health Insurances?
Sumusunod ba ang company mo sa mga Safety Standards?
Ilan lang ito sa mga senaryo ng mga kasamahan nating OFW. May mga kompanya na hindi sumusunod sa mga SAFETY STANDARDS. Gaya na lang ng mga nasa larawan, yung mga laborer ni wala man lang protective uniform, hard hat, safety gloves, safety goggles, safety shoes, body harness.
Buti na lang at hindi ito ang linya kong trabaho, pero napakasakit isipin na ang mga taong ito ay nagtatrabaho para sa kumpanya, pero binabarat pa sila ng kani-kanilang mga amo. Hindi nman siguro ganon kabigat para sa kanila ang bumili ng mga PPE's o ang Personal Protective Equipments, di ba? Ang kaso, masyado nilang inaalala ang kanilang kikitain, kaya madalas, nababalewala ang ganitong mga bagay.
Naging aral na din ito sa amin, na maging mapanuri sa mga bagay-bagay, lalong lalo na tungkol sa mga benefits para sa atin na dapat ay binibigay ng mga companyang papasukan.
Maging Alerto ka, Kabayan!
No comments:
Post a Comment