Tara! Kwentuhan tayo!

Kabayan, share nyo dito mga kwentong OFW nyo,

Sabay tayong matawa, mainis, at maiyak sa mga kwentong OFW nang bawat isang OFW na nagsusumikap maiahon ang Pamilya.

Makishare na sa mga kwento nyo, at naway maraming mga kababayan natin ang mkapulot ng aral, at masasabi nilang hindi madali maging OFW

MABUHAY ang mga OFW!

send nyo sa facebook account ko as message
include pictures if you want


Tuesday, August 30, 2011

Go Philippines!


Miss mo na ba ang Pilipinas???


Here are some of the video clips that makes you proud that you are from PHILIPPINES!




Saturday, August 20, 2011

An OFW STORY shared over the internet


Isa ka ba sa amin???

Roofdeck view from Fairways in Fort Bonifacio ...Image via Wikipedia

Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW.
At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa. ..
Nais ko rin ibahagi sa inyo, ang natanggap kong email na ito.
Maaaring makatulong ito upang lalong maintindihan ng bawa't isa ang
tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW. Tiyak na may mapupulot
tayong aral dito.

Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na 'pag OFW o nasa abroad ay
mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P20K-P300K
per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas
malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming
bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa
Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition
ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW - Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang
pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira
para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan
eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis
sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon
kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o
naghihintay sa probinsya. Alam mo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFW
ka eh surely attracts a lot of kin.

Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan
ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga
pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga
Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to
their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi
kawawa naman pamilya 'pag umuwi.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon.
Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis
lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang
nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working
conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay
na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".

Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine.
Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at
nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally
o spiritually man lang.

Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot
at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension,
coronary artery disease and arthritis.. Yet, they continue to work
thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad,
20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa
rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya - ang anak
adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na
kanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"

Bayani ang OFW - Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang
OFW sa maraming bagay.. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor
Contemplacion . Bayani in the truest sense of the word.. Hindi katulad ni
Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang
pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang
suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa
trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o
senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.

Matindi ang OFW - Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches
which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas ng OFW, swerte ng pulitiko - Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng
autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa
sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of
tears. Kapag dumadating, swerte 'pag may sundo( madalas meron). Kapag
naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak.

Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko
nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila
naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng
paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than
favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang
swerte nila.

Matatag ang OFW - Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano
pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at
counter-attacks.. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam
kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?

Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga
anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng
bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng
pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala
mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines , iba pa rin kapag Pinoy
ang kasama mo (except 'pag kupal at utak-talangka) , iba pa rin 'pag
nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang
tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika.." "Mingaw na ko nimo ba,
kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba
pa rin talaga.




Enhanced by Zemanta

Monday, August 15, 2011

OFW ka KUNG...

Para sa lahat ng mga OFW all around the world!
How proud are you being an OFW?
Paano mo masasabing isa kang OFW?

Dugtungan nga natin ang pangungusap na ito



... kung ang mas marami ang ibang currency sa wallet mo kay sa peso bill!






OFW in TAIWAN

Para sa mga kababayan nating mga nasa Taiwan, ano ba ang pinagkaiba nyo sa ibang mga OFW around the world.., sige nga, subukan nyo ngang dugtungan to...



kung marunong kang gumamit ng chop stick? heheeh wala kasi ako sa Taiwan,,,

dugtong na mga kababayan ko sa Taiwan.


Saturday, August 13, 2011

FOR OFW in MIDDLE EAST

Lets try to identify ourselves as 
an OFW in a certain area


LETS start in Middle East...


Continue the Phrase in the Picture (use the comment box)


kung nakakain ka na ng kubz, with egg


- kayo naman, pagandahan ng sagot



Thursday, August 4, 2011

PATIENT 231132

my admission card/appointment card


blood drains
Kinabukasan mula ng ako ay maoperahan, bumalik ang doctor upang tignan ang kalagayan ko, nagulat siya nung malaman niya na marami pa ang dugo na nacollect ng drain. Kaya pinahanda niya ako para isalang sa ultrasound. Nung inu-ultrasound na, maayos naman ang kanilang nakita, wala naman daw blood clot, o ano mang sinyales ng mga pamumuo ng dugo, maliban lang daw sa mga small traces o bahid ng dugo sa aking mga bituka. Pero ginigiit ng doctor na suriin ng mabuti at bakit lumulubo pa rin ang aking tiyan, tpos nung sinuri ulit ng doctor na nag-ultrasound sinabi lang niya na puno lang daw ang aking pantog, kaya naman dali-dali agad ako kinabitan ng catheter para matanggal ang ihi. At pagkatpos nun ay binalik na ako sa akin kuwarto. At binilin ng doctor na kailangan makalakad na ako. Minasahe ng nurse ang aking mga paa, binte at hita para magcondition sa paglalakad, o sa pagtayo man lang. sinubukan muna namin ang paupuin ako sa kama, nagawa ko naman kahit meduyo masakit yung sugat, after 5 mins, sinubukan kong tumayo pero sa sobrang sakit, bigla nalang akong nagcollapse.

team buraydah
Pagkalagpas ng tanghalian, nagsidatingan na ang mga kasama ko sa flat, kasama pa ang ibang mga pinoy sa aming opisina na mula sa kabilang bayan, biyernes kasi, walang trabaho, kaya ngkaroon ng panahon para dumalaw sa akin. 

Kulitan uli, masayang masaya kasi mas marami na sila, walang humpay pa rin sa picture taking sa room ko. Nagdala sila ng mga pagkain na sila lang ang kumain, bawal pa kasi sa akin ang kumain, kahit tubig o numang intake bawal pa sa akin. Kaya pinagtripan na lang ako nga mga kasama ko. 

Mitral valve prolapse 2Image via WikipediaMaya’t maya pa ay dumating na yung doctor ko. Takang-taka xa kung bakit marami pa rin ang dugo na nakukuha ng drain. Kaya inutusan niya ang nurse na ipahanda na ulit ang Operating Theater para muling buksan ang hiwa at suriin muli. Pagdating namin sa OT, sumalubong agad yung Anesthesiologist, at tumanggi siya sa pag-administer kasi meron daw akong MVP (Mitral Valve Prolapse) at nag tachycardia pa ako. Sinabi na lang ng Anesthesiologist na hindi sapat ang gamit ng  kanilang ICU (intensive care unit). Kaya bago pa man lumala, gumawa agad ng referal si Dr. Shawki para mailipat ako sa Government Hospital.

King Saud Hospital

Mga bandang alas 3 ng hapon, nilipat ako sa King Saud Hospital, sinuri agad ang aking mga Vital Signs, sinalang din ako sa ECG(electrocardiograph). Dahil sa aking condition pinapirma ako ng waiver at ng High Risk Operation, na nagsasaad na pumapayag akong ma exploratory laparotomy kahit sa aking heart condition. Ilang minuto lang ay dinala na ako sa OT, at wala na ulit akong maalala, nagising
ako sa recovery room mkalipas ang isang oras, nkapalibot na ulit sa akin ang aking mga kaibigan, groggy pa ako, hindi ko maidilat ang aking mga mata pero naririnig ko sila, at kinakausap ko pa daw yung iba. Nang tuluyan na akong magising, nurse nalang ang andun at nasa ICU pa ako, napansin ko na humaba nga ang hiwa sa aking tagiliran.
after exploratory laparotomy
Uhaw na uhaw ako pero bawal pa ang uminom at kumain, kaya humingi nalang ako ng gauze na may tubig para idampi sa aking tuyot na mga labi. Kinabukasan ng mag rounds ang mga doctor at nurse, sinabi ng isa sa kanila na sa lahat daw na naging pasesyente nila ako lang daw yung nakangiti kahit kakalabas lang ng operating room.

sina Reah at Desuky ang mga night shift nurse,
picture taking muna, bago discharge
kahit pa ika-ika sa paglakad, smile pa rin
Mababait ang mga naging nurse ko sa KSH, sina Jasmine, Reah, Desuky at Suni. Umabot din ako ng 5 araw sa stepped out room ng KSH, o yung tinatawag nila na extension ng ICU. For discharge na ako pagdating ng araw ng Martes, kaso ngkaroon ng hindi pagkakaindihan sa aming opisina kaya ngstay pa ako sa hospital ng dalawa pang araw, pero inadvisan na ako na ilipat nlng ako sa ward para mura lng ang babayaran ko, SR500 kasi ang araw dun sa stepped out, samantalang SR75 lang sa ward. Wala akong ginawa kundi magpalakad-lakad sa lobby para mawala ang bagot, minsan nanonood ng TV, puro nman arabic.
At sa awa ng Diyos, pagdating ng miyerkules ng hapon, nakalabas na ako ng tuluyan sa Hospital.


God is Good all the time!
And All the Time God is Good!






Enhanced by Zemanta