My life in Saudi is not easy! I work in Saudi last 2004. I dont have any idea what is Saudi. Pagdating sa airport una kong napansin hinihiwalay ang babae sa lalaki. Late kami nasundo ng employer namin. Then paglabas namin ng airport kasama na namin ang aming amo. Gulat ako sa mga lalaki naghihintay dun ibat ibang lahi na parang ngayon lang sila nakita ng babae naka jeans. Tapos kinabukasan linis na walang humpay mula 8 am until 4pm walang break. Then kinagabihan na meet ko ang amo kong babae na sobrang maldita. may anak sila mag 2 yrs old na na pakabait (baligtarin ang mabait). Di ako nagtagal sa amo ko na ito kasi nag aaway kmi pinagseselosan me na walng dahilan. Akala ko yung katarayan ko pwede sa saudi d pala baka mabaon me sa desyerto ng buhay. So sabi ko sa amo ko ibalik ako sa pinas. Di ako binalik sa pinas dinala me sa agency sa Riyadh para may ibang amo na kukuha sakin at maibalik yung nagastos nila.
Sa agency ng mga katulong sa riyadh nag stay ako ng isang buwan. Dito sa agency sobrang nahirapan ako kasi lahat ng lahi magkakasama sa iisang room na mahigit 50 person walang kumot or unan, paupo lang pagmatutulog. kakain kyo iisang plagana nakakamay pa at kanin na ewan at ulam ay talbos ng sibuyas. Dahil gusto ko magsurvive kumakain me sabay tulo luha ko. Maghapon kmi naglilinis ng bahay ng may ari ng agency tapos mga 5 pm dalhin kmi sa opisina nila para ihilera sa mga madam na naghahanap ng katulong.
Dito sa agency madami ako na meet na pinay. Si Rose, pinagsamantalahan ng anak ng amo niya kaya binalik sa agency. Si ate Jen nabaliw sa homesick ayaw pauuwiin ng amo kasi gusto mabawi ang pera kaya dinala sa agency. Si ate jen nakakaaawa talaga sya kasi gusto nya na umuwi. Di mo mate-take ang pinag gagawa niya sa sarili nya. Si ate anna sinasaktan ng amo. may mga pinay na pumapayag pagalaw sa may ari maging maayos lang ang trato sa agency or makuha agad ng ibang amo.
Doon sa agency ding yun nakita ko na di lang life ng pinay kundi Indonesian, Sri-lankan, Indian at Bangladeshi kung paano din sila inaabuso ng mga amo nila. Sampu kami pinay na nandun sa agency ibat ibang storya bakit ng abroad. Kada lingo may umaalis may dumarating. Sa tanda ko ako yung pinakabata sabi nila parang inutusan lang ako ng nanay ko bumili sa kanto. wala sa mukha ko na 24 na me. Naubos na luha ko d na ako makaiyak kasi kapag nakikita ko yung ibang kasama ko na mas worst ang kalagayan, nagdasal na lang ako na nawa ay malagpasan ko ito at may amo na magkagusto sa akin at kunin ako. Dininig ng Diyos ang dasal ko. April 3O may among kumuha skin tuwang tuwa ako ksi makakalis na ako sa lugar na yun na hayop ang turing sa amin. Na kundi sa amin wala silang pera.
Nagsimula ako sa amo mabait nman kahit papaano 3 kmi katulong ako lang ang pinay 2 Sri-lankan. Dahil bago ako, lagi akong inaaway nung mga kasama ko. Umiiyak ako lagi pero d ako sumuko ayoko bumalik ng agency. After 2 month ok na kami ng mga kasama ko pinagtatakpan ko sila sa mga kalokohan nila. Kahit mahirap ang work sa amo ko kasi mag start me ng 7 to 4 pm tapos 6 pm to 2 am. Tiniis ko yun at kung minsan dinadala ako sa anak nya na may asawa para maglinis din. Di na ako nagreklamo, mas mahiap kapag buwan ng Ramadan lalo na kung di ka muslim, ikaw lahat gagawa ksi mga kasama kong Sri-lankan muslim sila kya mabait amo ko sa kanila.
Pagdating ng month ng July 2004 umalis ang amo ko nagbakasyon sila sa Swistzerland kasama nila isang Sri lankan na si Kadija, so naiwan kami ni kandi sa riyadh pinagtag isahan kami ng anak ng amo ko na may mga asawa. August bumalik si Kadija ng riyadh nasa Lebanon ang amo ko. Ako nasa anak ng amo na si Noora. Si Kandi at Kadija magkasama sa anak ng amo ko na si Nahla. Inutusan si Kandi at Kadija na maglinis sa malaking bahay ng amo nmin. Dahil may cell si kadija tinawagan nya BF niya na pumunta dun sa bahay. Nahuli sila ng driver. Nakulong si Kadija pati BF nya. After ng incident na yun mas lalo kmi hinigpitan ng amo ko. nakakalabas kmi every 4 months instead na every month, walang cell. After 1 year dun ko pa lang nakausap parents ko wala ko ginawa kundi umiiyak. Si Kandi umuwi ng Sri-lanka nung nagkaroon ng Tsunami kasi nahihirapan na. Ako nagtiis lang kada buwan ng papalit kmi ng kasama sa bahay. July 2005 dinala ako ng amo sa Switzerland. Dun nagbago life ko.
these are my friends here in Switzerland |
Sa Saudi madami me akong natutunan. Nawala katarayan ko at pati pride ko nilunok ko mag survive lang. Natutuo akong magdasal sa sarili ko lang. Mas pinahalagahan ko yung parents ko, kasi pasaway me sa nanay ko eh. Kasi kapag nasa abroad ka ma-realize mo mga mali mo. Nang dinala ako ng amo ko sa Swiss sinabi ko sa sarili ko na di na ako babalik ng Saudi ulit. I always pray na sana give me a sign kung dapat me tumakas sa amo ko. Then July 10, 2005 pinatangkaan ako ng amo kong lalaki pero lumaban me kaya di xa nagtagumpay. Nakatakas ako sa kanya den nagkulong ako sa room ko. July 11, 2005, wala pa akong tulog since ng July 10, 2am tumakas ako dala ko lang isang back pack at 150 euro, medyo malayo kami sa city nun. Naglalakad ako then may dumaan na taxi pumara ako, umiiyak ako nun. naawa ang French driver sa akin. I told im goin to Paris. Please help me to go to train staion going to Paris. Then he helped me, ang bill ng taxi ko is 30 euro sabi nya 10 na lang, then he wished me luck. Then sa train station in Bellegarde sa Swiss di ako makabili ng tiket kasi wala akong passport, then I ask again for help someone na ibili me ng tiket. Then sa train ng pray ako, sana walang check point na maghanap ng passport. That day safe akong nakarating ng Paris. Wala akong kakilala dito sa Paris pero ang Filipino Community dito matulugin. Inampon ako ng isang pamilya dito na taga Cavite. Tumira ako sa kanila ng 1 month hanggan makakita me ng work at tirahan ko. Dito ako na homesick kasi biglang nag iba yung inviroment tapos lagi akong may bad dreams kasi bumabalik skin yung naranasan ko sa saudi. After 3 months naka adjust na ako. sa saudi wala akong naipundar kasi d binibigay ng amo ko ang sahod nmin. Dito sa Paris napa aral ko yung mga kapatid ko sa college naging maayos buhay ng parents ko sa pinas kahit paano.
Mabuhay ang OFW!
-Didith Aurel
tnx Didith for sharing your story with us,
ReplyDeleteGod bless
~peps
1st ,I would like to say THANk you to Pep sa magandang Blogsite at mapa agtig na damdamin na mga laman nito.More Power to you Kulit!:)
ReplyDeleteI salut you Sis Didith,Napa iyak ako dito...
Totoo yan,lahat tayong OFW ay may kanya kanyang karanasan.Kung minsan akala natin tayo na ang
pinakamalas sa mundo,pero kung imulat natin ang ating mga mata at isipan at tumungin sa ating paligid,doon natin makikita na medyo maswerte pa rin pala tayo.You are truely Blessed.I can't say anything more except,J'admire vraiment votre courage!Hanga ako sa tapang mo.Hindi ko ma imagine paano mo yon nalampasan lahat ng masamang journey ng buhay mo pero ganun pa man I'm happy because narating u ang destination na kung saan nabago ang buhay mo.God Loves you ma sœur!Muwhaaa...
Swerte mo pa rin Ms. Didith, naka-alpas ka sa mga amo mong salbahe. Nag trabaho din ako sa Riyadh at isa ako sa masasabi mong swerte din dahil ang naging amo ko ay hindi bastos at may kunsensya yung lalaki, kahit medyo maldita ang asawa nya mas pinapaboran nang lalaki yung mga pinay na kasambahay dahil di daw marunong magsinungaling ang mga pinay. Kudos to you Ms. Didith & may GOD's blessing shower upon u, ganyan talaga pag naging humble tayo mas tinutulungan tayo nang Maykapal....take care always....
ReplyDelete