This is the first letter sent from an OFW reader of this blog.
Sa pangatlo kong amo. Sa interview pa lang ay nagustuhan na nila ako, at maganda din nman ang mga condition na ino-offer nila sa akin, gaya nlang ng limang araw lang ang trabaho, day off ko na ang dalawang araw, isang buwang bakasyon na may bayad, sariling flat, libreng pagkain at ang pinakanagustuhan ko ang linguhang sahod kaya grab ko na agad.
Ang laki ng bahay nila at may garden pa, ang ganda ng lugar. Pagkapasok ko sa bahay ay agad akong pinakilala sa mga anak nila, ang panganay ay kambal na babae at lalake, ang bunsong lalake na 18mos pa lang na siyang aking aalagaan. Nung una, ayaw sa akin ng bata, iyak ng iyak, lalapit ka pa lang iiyak na. Kaya sinabihan nlng ako ng amo ko na, masasanay din yang bata pagmadalas ka na niyang makita dito sa bahay, baka lang kasi ay naninibago. Nkatuon lang ang aking pag-aalaga sa kanilang bunso, dahil malalaki nman ang kambal. Sa paglipas ng mga buwan, naging malapit na ang loob ng mga bata sa akin, lalo na ang bunso, para na anak ang pag-aalaga ko sa kanya. Ako na ang bida sa kanya, nagpapaligo, kalaro, nagbabasa ng mga story bago matulog, at minsan tinabihan ko na rin pagkatulog.
Lumipas ang taon na yun lang ang trabaho ko, pero dumating na yung time na pumapasok na school ang bunso, ditto na nadagdagan ang trabaho ko. Habang nasa school ang aking inaalagaan ay naging tagalinis na rin ako sa malaking bahay. Kung gaano kalaki? Meron lang nman itong 5 bedrooms, 11 na toilets, malawak na dining room, family room, visitor room, 2 playroom, at may indoor pa na swimming pool. Hahay, binibilang ko pa lang nkakapagod na. Pinaalis na kasi nila ang isang kasambahay kaya araw-araw ako naglilinis pagkaalis ng mga bata. Naglalaba, namamalantsa, nagtutupi, nag-aayos ng mga gamit nila at minsan tagaluto na rin. Iniisip ko nlang na ako yung panganay sa pamilya at bahay ko itong aking nililinisan para kahit papaano ay gumagaan ang bawat trabaho at mawala ang homesick.
Kailangan nasa maayos ang mga gamit nila, kasi pag may nawala or na-misplace lang, pagagalitan ka na agad, pagdududahan ka pa or minsan pagbibintangan pa na ikaw ang kumuha. Matataranta ka talaga sa kakahanap kung saan nila nailagay or naiwan ang kanilang gamit, hindi rin ako tumitigil sa kakahanap, buti na lang at palaging nariyan ang Diyos para gabayan ako.
friends in london |
Umabot din ako ng apat na taon sa kanila bago umuwi, at naging maganda nman ang kanilang pakikitungo sa akin, maliban lang sa palaging mapagduda nila. Sinasama nila ako kung saan man sila pumupunta, kakain sa labas, manonood ng sine, walking sa park, sa mga fun fair, halos lahat ng magagandang lugar dito ay napuntahan ko na kasama nila, maging sa simpleng kainan ay sinasama nila ako.
Marami na din akong naging kaibigan, tuwing Sunday kami lagging magsasama-sama at nagbobonding. Nalampasan ko ang buhay OFW ng matiwasay, nakauwi ako ng Pilipinas ng may dangal, Proud to be an OFW. Napagtapos ko ang aking iba kong kapatid, isa nlng ang nasa college.
May sarili na rin akong pamilya at dito na kami naninirahan sa London.
my hubby, me, baby boy ko, at mga in-laws |
Tiyaga at Sipag lang po ang kailangan at kunting pasensiya ang kailangan para maisakatuparan an gating munting pangarap! MABUHAY ang OFW
-Jingle
No comments:
Post a Comment