Huwebes, July 14, 2011, alas dos ng medaling araw, una kong naramdaman ang sakit sa aking puson, akala ko ay naiihi lang, kaya bumangon naman ako at nagbanyo. Uminom ako ng tubig at bumalik sa pagkakatulog, pero ilang minuto pa lang, bakit parang naiihi na nman ako? Naisip ko na baka siguro dahil sa nainom kong tubig, kaya bumangon ulit ako at nagbanyo. Nangamba na ako ng walang lumabas na ihi. Unti-unting kumalat ang sakit na aking nararamdaman, mula sa puson, papuntang kanang tagiliran, hanggang sa may likod ng baywang babalik sa puson paakyat sa sikmura. Napapaiyak at napapasigaw na ako sa sobrang sakit na aking naramdaman. Ginising ko na ang isang kasama ko, c Lowe, para mkahingi ng gamot, yung akala ko kasi ay bumalik yung dating UTI (urinary tract infection) ko.
nakuha ko pang magpapicture kahit masakit para magamit sa post ko |
Namimilipit na ako sa sobrang sakit, nagising na rin ang iba ko pang kasama sina Rey at Leo. Alas kwatro na ng madaling araw, mas lalo pang tumindi ang sakit na aking maramdaman, uminom na ulit ako ng paracetamol at isang antibiotic, pero walang epekto, ngsearch na si Leo sa internet ng maaring dahilan, kahit namimilipit ako sa sakit, nasabi ko pa ang mga symptoms- pagsusuka, di masabi kung saan ang sakit, kasi palipat-lipat sa buong kanang bahagi ng tiyan, masakit pati sa likod at tagiliran, at naiihi- lahat ng symptoms, pasok sa appendicitis, duda na rin ako sa UTI kasi dalawang beses na ako nakainom ng pain reliever ay wala pa ring epekto.
ang mahiwagang garapon |
Di namin alam ang aming gagawin, wala kaming sasakyan para maidala ako sa hospital, pinilit kong bumalik sa pagkatulog, sinabi nlng ni rey na pagkasundo sa amin ng contractor, papadaan nlng kami sa hospital, para mmagpacheck up, binigyan din nya ako ng isang garapon na may mainit na tubig para idampi sa sumasakit kung tiyan. Kahit paano ay nakatulog ako ng kunti, bandang 6:45 ay dumating na yung sundo, at agad akong dinala sa King Saud Hospital. Sa emergency parang walang pakialam ang mga tao dun, pinaghintay lng ako sa labas ng room, tpos pinapakuha pa mga forms, pinagpabayad pa muna kami,saka pinapasok sa clinic. Nung nasa loob na, tinanong lang ako kung ano ang nararamdaman ko, sabi ko nman na masakit yung buong tagiliran ko hanggang likod, tapos yung lang, may sinulat xa sa papel, binigay sa kanyang nurse at dun binigyan ako ng injection sa puwet at saka mga gamot, at pinababalik ako after 2 days.
Umuwi na lang din kami na parang walang nangyari sa amin, ngbayad pa kami ng SR100 para dun lang. Hinatid muna yung ibang kasamahan namin sa site saka kami bumalik sa bahay. Nagpasama na ako kay lowe para may magbantay kung ano man ang mangyari, nagpabili na ako sa kanya ng sleeping pills para kahit papaano ay makatulog man lang habang nag-aantay sa epekto ng tinurok sa akin.
Nakatulog nman ako ng mga 2 oras, ng dumating ang isang kasama namin na ibang lahi, para dalhin ako sa isang hospital na covered ng insurance namin ang AL WAFAA. Doon na ako na check-up, nagkaroon ng physical exam, at sabi ng doctor na malamang ay appendicitis nga at nirefer na nya ako sa surgeon. Inexamine din ako ng surgeon, at pagkatapos niyang kapain ang aking tiyan sinabi na niya na sked for operation in 2 hours, at may pahabol pa xa “You are so thankful that you catch me, it’s my last day of duty, I’m off for my vacation in Egypt tomorrow”
sarap ng ambiance, parang wala sa hospital |
Inassist ako ng mga nurses na mga pinoy, inaasekaso din nman nila ako ng maayos, dinala sa aking room na mala hotel, at hinanda ako para sa aking operation, at doon nalaman ko na magaling talaga yung surgeon na yun si Dr.Shawki, hindi man lang ako dumaan sa MRI, CT Scan, Ultrasound, X-ray, kahit blood test or urine analysis wala na. Binigyan nila ako ng lab gown para makapaghanda na para maisalang na sa OT (Operating Theatre). Nilipat ako sa stretcher at dinala na sa OT, unang kumausap sa akin ang babaeng anesthesiologist, isang Egyptian. Kinakamusta lang niya ako at di ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. Nagising nlng ako ng nasa room na ulit ako, at may hiwa na ang aking tagiliran at may nkakabit ng mga tubo para drain ng dugo, at may nkakabit pa sa ilong ko na oxygen.
ang blood drain, VS monitor, at kung ano2 pang nkakabit! |
picture2 pezz |
Maya’t maya ay dumating na ang iba kong mga kasamahan. Pumasok na din si Dr. Shawki, at tinignan ang condition ko. Sinabi nya sa akin “How are feeling now? Your appendix is very, very large, and very, very bad!” Hindi niya nabanggit kung nag rupture ba ang appendix ko, hindi ko na rin naitanong, malamang ay bangag pa ang pag-iisip ko. Bago umalis si Doc ay nag sabi ito na “just take a good rest, ur still under observation”.
Pagka-alis ni Doc ay parang walang nangyari, balik sa kulitan ang mga kasama, panay ang picture2 sa bawat sulok ng kuwarto ko. Para naman kasi akong nasa hotel, kaya paminsan minsan lang makapasok kaya sinulit na ang pagkuha ng mga pictures. Pagkatapos ng huling sallah ay pinauwi na ang mga kasama ko, kung ninanais daw nilang magstay sa room ko, kailangan daw nilang magbayad ng SR200, kaya iniwan nalang nila ako, at ng makatulog na rin.
Toilet with shower enclosure |
the bed side chairs and table |
receiving area |
the living area |
>>>itutuloy