Tara! Kwentuhan tayo!

Kabayan, share nyo dito mga kwentong OFW nyo,

Sabay tayong matawa, mainis, at maiyak sa mga kwentong OFW nang bawat isang OFW na nagsusumikap maiahon ang Pamilya.

Makishare na sa mga kwento nyo, at naway maraming mga kababayan natin ang mkapulot ng aral, at masasabi nilang hindi madali maging OFW

MABUHAY ang mga OFW!

send nyo sa facebook account ko as message
include pictures if you want


Wednesday, February 29, 2012

Idols of OFW's here in Middle East

There's a lot of Celebrities now a days in the Philippines. But who among them really touches the heart of the Filipino Community here in the Middle East. Last January a survey was conducted among OFW's here in the Middle East. The survey conducted was all about the lifestyle as OFW's being affected by the shows they had seen specially related to the Philippine shows. Who among these actors and actress that they could say "ang tumatak sa aking puso at isipan". 


Here are the results of the conducted surveys and the compiled reason why they chose that celebrity.


10. COCO MARTIN- Magaling umarte. He really can give justice to the character he portrays. We are so excited to see him again in the coming series with Julia Montes in Walang Hanggan.




9. WILLIE REVILLAME- Love na love talaga namin si willie, sayang nga lang at nalipat siya TV5 hindi na namin siya nakikita sa TFC pero meron naman sa internet, nagtiya-tiyaga lang kami para mapanood lang namin ang aming idol na si willie. Nagbibigay pag-asa sa mga kababayan nating mga mahihirap.




8. JOHN LLOYD CRUZ- His performance in imortal was really superb, along with co-star angel locsin the show was really meant for them. They fight for their love no matter whats at stake for them. His movies are so kakakilig, nagpapadala pa talaga kami ng mga DVD dito pra lang mapanood namin ng paulit-ulit ang mga pelikula nya, lalo na yung One more chance. I watch it everytime i feel bad.




Angel Locsin, Filipino actress
Image via Wikipedia
7. ANGEL LOCSIN - Define sexy? Thats Angel Locsin nonetheless, hailed as top among 100 sexiest female celebrities, product endorser, nominated best actress on emmy's for her performance in LOBO, a true Filipina beauty, with or without make up, and down to earth personality thats why so many loves angel. Her beauty is so stunning, you keep on looking at here with her "lobo" smile but you cant feel this "sawa factor".  We are so excited to watch the her upcoming movie with John Lloyd Cruz, titled Unofficially Yours.


6. KRIS AQUINO
English: Kris Aquino.
Image via Wikipedia
nakakawala ng pagod ang kadaldalan nya, and most women here in the middle east admires here for being a fighter. Even though she's so unfortunate with her love life but still fights for her sons.


5. REGINE VELASQUEZ - Her songs makes us so proud were Filipino, watching every episode in Party Pilipinas feels like where also at home. She sings from the heart.







English: Taken in the 103.5 K-Lite FM booth in...
Image via Wikipedia
4. GARY VALENCIANO - kapag nalulungkot kami dito dahl malayo kami sa aming mga pamilya, 
pinapakinggan lang namin ang mga kanta ni Gary V., lalo na yung "BABALIK KA RIN" nabubuhayan kami ng loob na magpursege sa pagtratrabaho dahil may pamilyang naghihintay sa amin. Ano mang layo ang narating, babalik at babalik rin kami.





3. MANNY "PACMAN" PACQUIAO - 
English: Manny Pacquiao during the opening cer...
Image via Wikipedia
The Congressman, the pound for pound king, a product endorser, an actor, a host, a comedian. what else can you ask for? He brings so much pride and honor to our country, when he fights every one watch, when he wins everyone applauds. He even said that he wanted to fight every day, because every time that he is on the ring, there is less or even zero crime committed on that day, it only shows that even criminals watch Manny Pacquiao


2. DINGDONG DANTES- The 2011 MMFF Best Actor, the Primetime King of Philippine Television, Multi-product endorser, Top rated series, one of the world's sexiest men, these are just a few achievements of this fine young actor. His teleseryes are being shown not only in the Philippines but also in the other part of the world, to mention a few were Indonesia, Cambondia, Malaysia. Even there he got huge fans from young girls to matured ladies. No wonder many adores him, but his heart only belongs to our top celebrity in Middle East, no other than...




1. MARIAN RIVERA- The Primetime Queen of Philippine Television, multi-product endorser, top rated series, top rated shows, the only Filipina to be included in top 10 International Beauties. Her beauty is exceptional, her white complexion is a resemblance of a Spanish blood. She may have a lot of detractors but it doesn't make her down, she has even more a lot of fans. Her recently concluded EPICSERYE AMAYA brought her even more supporters for her extra ordinary performance that defies our History. And because of the millions of supporters of Marian at millions who admires her real life sweetheart Dingdong Dantes, they are being teamed up again in the much awaited MY BELOVED. 






































































Disclaimer: wala pong katotohanan ang mga naisulat sa itaas, ginawa lang ito upang mapatunayan na may mga taong mapagpaniwala sa mga sabi-sabi...

Enhanced by Zemanta

Monday, December 12, 2011

A Christmas away from Home (1st release)

Sa mga masasayang mukha...
Sa mga matatamis na ngiti... 
At sa malalakas na tawanan... 
Sa likod ng lahat ng ito ay ang kagustuhan makapiling ang mga mahal sa buhay sa isang mahalagang araw, ang sabay na ipagdiwang ang kapaskohan. Marami sa ating mga kababayan na ganito ang mga sentimento. Lalong-lalo na ang mga katulad kong OFW. Pero kahit ano pa man ang mangyari, gagawa at gagawa talaga ng paraan ang mga pinoy maipagdiwang lang ang PASKO. 

Paano nga ba mag celebrate ng Pasko ang mga OFW???



heto ang ilan sa ating mga kababayan na tumugon sa isang katanungan.




































Merry Christmas &
a Prosperous New Year!!!















































Saturday, December 10, 2011

Ang Pasko ni Biboy

Apat na taon na akong nagpapasko dito sa ibang bansa. Sa lugar pa ng mga taong iba ang pananampalataya. Hindi sine-celebrate and pasko dito sa Kuwait dahil halos karamihan ng mga tao dito ay Muslim. 

Pero sa kagandahang palad, nirerespeto din naman nila ang pag celebrate namin dito sa Kuwait. Kaya kami ay pinapa half-day ng pasok para makapagprepare man lang ng kunting pagkain pang noche buena. 


Kakaiba pa rin yung nasa Pinas ka kasi kasama mo yung mga mahal mo sa buhay sa gabi ng pagsasalu-salo. Dito ang mga kasama mo ay mga katrabaho at kaibigang, katulad ko ring naghahanap ng kunting kasayahan sa araw ng pasko. Kung pagkain man lang ang pag uusapan, wala sa katiting yung mga handa dito. 

Sa paramihan ng pagkain, ay talagang mas marami ang niluluto dito, kaya masasabi ko sa sarili ko, mali pala yung iniisip ko dati nung nasa Pinas pa ako. Kasi ang hinahintay ko lang ay ang pagkain sa noche buena. Kahit kunti lang ang handa, ang pinaka importante pala sa noche buena ay hindi yung busog ka, kundi maging masaya ka kasama yung mahal mo sa buhay na masaya ring kasama ka. 
wieże w kuwejcie
Image via Wikipedia

Sabay mo na nagsisimba, sabay mo na nanood sa labas ng bahay yung mga kumukutitap na ganda ng mga ilaw, ang mga ingay ng mga paputok, ang mga nangangaroling at ang pagbibigay sa kanila ng chocolates, candy o di kaya kunting barya. "thank you, thank you...ang babait ninyo thank you" sambit pa nila. 

Kaya mas lalo akong magsisikap at mangangarap na minsan sa darating na takdang panahon ay makakapiling ko muli ang mga mahal ko sa buhay. Ang aking NANAY, TATAY at aking mga kapatid, sa ARAW NG PASKO.

Merry Christmas!
~Ernest Greg "biboy" Aguirre 
Enhanced by Zemanta

Friday, December 2, 2011

COCA-COLA OFW PROJECT

Talagang masarap malaman at nakakaantig ng puso makakita ng mga eksenang ganito.
Lalong-lalo na ang pagbigay pansin sa mga Overseas Filipino Workers (OFW). Halong saya at kaba habang pinapanood ang Videong ito na alay ng COCA-COLA Phils. para  sa mga OFW na matagal ng hindi nakakauwi ng bansa. Magdadalawang taon palang ako dito sa saudi, ngunit ramdam ko na ang pangungulila sa pamilya, at ang kasabikang makita silang muli.
Simpleng regalo na habang-buhay nilang dadamhin sa kanilang mga puso...
heto po yung video na kakalabas lang.


MABUHAY PO ANG OFW!!!
MALIGAYANG PASKO PO!
SALAMAT sa COCA-COLA

Monday, October 31, 2011

Ang kwento ni Princess Yvet Castor

Ang buhay nga naman ng tao, hindi natin alam kung kailan darating ang mga pagsubok. 

Maaga kaming iniwan ng aming Ama. Namatay po siya dahil sa kidney failure. Bago po siya nalagutan ng hininga ay may iniwan siyang pinakamahalagang mensahe, ''Anak, sayo ko na inaasa ang kinabukasan ng mga kapatid mo, kahit mawala man ako sa mundong ito ay mananatili akong buhay sa puso at isip niyo, alam kung kaya mo yan, sayo ko pinagkakatiwala ang lahat, dahil kung mag asawa ulit ang ina mo magiging kawawa ang mga kapatid mo''. At hanggang sa mawalan nga sya ng hininga ay nakahawak ang mga kamay nya sa kamay ko at may namumu-ong luha sa kanyang mga mata. 



Marami siyang mga pangarap sa akin, na mabigyan ako ng magandang kinabukasan at ang pinaka gusto niyang kurso na magiging nurse ako balang araw. Nang mawala siya ay umiba ang takbo ng buhay namin, ang aking ina ay nakipag relasyon ulit sa ibang lalaki, at pinabayaan nya ang pagiging ina niya sa amin. 


Sa edad na 16 ay napag-desisyonan kong magtrabaho sa Restaurant bilang isang tagahugas ng pinggan, para man lang kahit na paano ay makabili ako ng bigas at ulam para sa mga kapatid ko at masuportahan ko ang pag aaral nila. Ako ang nagtaguyod ng pamilya namin, ako ang tumayong ama at ina sa tatlo kong mga kapatid. 

At sa edad na 19 years old ay napagdesisyonan kong mangibang bansa, dito sa Singapore, para mai-ahon ko sa kahirapan ang aming buhay at mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga kapatid. Luha, pawis, dugo sa mga kamay, gutom, lahat tiniis ko alang alang sa mga kapatid ko. At ang masaklap ay ang mga perang pinapadala ko ay ginagastos ng aking ina sa lalaki niya. Kapag tumawag ako sa pinas, at makakausap ko ang mga kapatid ko ay lagi nilang tinatanong kung kumusta ang buhay ko sa abroad. At pilit akong ngumingiti at humalakhak, at lagi kong sinasabi sa kanila na “Okay lng ako ta, mabait ang amo ko”, pero ang totoo ay kabaliktaran lang ang lahat. Lahat sinakripisyo ko, wala akong makain, at pati basura kinakain ko na para kahit paano ay may lakas akong makapag trabaho.

At dahil hindi ko na matiis ang pag mamaltrato ng aking amo, na parang hayop ang tingin nila sa akin, at muntik na akong gahasain ng anak ng amo ko, ay napagdisisyonan kong lumayas, at pumunta ako sa Philippine Embassy at humingi ng tulong, at sa awa ng Diyos ay natulongan ako ng embahada. 



Nagkaroon ulit ako ng pangalawang amo, sa awa ng Diyos ay mabait ang amo ko. Halos ang lahat kong pinagpaguran ay ipinadala ko lahat sa pinas pero ang mas masakit ay hindi tinatamasa ng mga kapatid ko ang pinaghirapan ko, kundi tinatamasa ng lalaki ng aking Ina.


Parati siyang sumusulat sa akin na my babayaran sa School ang mga kapatid ko, na nasa hospital ang kapatid ko, pero ang totoo ay puro lahat kasinungalingan ang mga sinasabi nya. Nang matapos ang contract ko ay umuwi ako sa pinas na hindi nila alam, gusto ko silang e-surprise. Pero ng madatnan ko ang itsura at sitwasyon ng mga kapatid ko ay napaluha ako, very disapoint ako sa nangyari, at parang sinakluban ako ng langit at lupa. At laking gulat ng aking ina ng makita ako, at napaiyak ang mga kapatid ko sa itsura ko, sobrang payat ko ng umuwi ako. At sabi ng mga kapatid ko ay “bakit ganyan ang itsura mo, bakit hindi ka nalang umuwi noon kung hindi maganda ang buhay mo doon”. Pero ang sagot ko ay "hindi na bali ako ang maghirap at mag tiis, wag lang kayo, sinakrepisyo ko ang lahat para sa inyo, para mabigyan kayo ng magandang kinabukasan”
The Singapore Skyline v2Image via WikipediaUmiyak ang mga kapatid ko, at sa awa ng Diyos, ay nagpupursigi din silang makatapos. At nang makita ako ng ina ko ay napa iyak siya, luha ng pagsisi sa ginawa niya. Ang pagwawaldas ng perang pinaghirapan ko, para lamang sa lalaki niya. Walang namoong galit sa puso at isip ko sa aking ina, dahil kung hindi sa kanya ay wala ako sa mundong ito, utang ko parin ang buhay ko sa kanya. Mahal ko sya dahil ina ko sya. Ngayon nagpapasalamat ako dahil namulat sya sa katotohanan, at napag isip isip nya na mali ang ginawa nya.

At nagdisisyon ako muli na mangibang bansa, at sa awa ng Diyos ay nagbago na ang aking ina, salamat sa Diyos nakapagtapos narin ang dalawa kong kapatid na babae sa kolehiyo. At ang bunso namin ay nag aaral na ngayon sa kolehiyo, nagpapasalamat ako dahil lumaki ang bunso kong kapatid na lalaki na walang bisyo, at gustong maabot ang pangarap sa buhay.


No one is perfect. Kung my mga taong nakagawa man sa atin ng kamalian ay dapat matoto tayong magpatawad, wala tayong karapatan manghusga sa kapwa natin. Pairalin ang positive na pag iisip, ang Diyos ay nakakapagpatawad, ang tao pa kaya? Masarap mabuhay sa mundong ito na walang galit at walang inaapakang iba..


Maraming salamat po sa mga kapwa OFW ko.









Good bless sa lahat.

~Yvet

Enhanced by Zemanta

Sunday, October 30, 2011

'0FW from 2002 till N0W - Maryjane Matias

Ang buhay namin ay mahirap lang, I got married when I was 18 years old ngkaroon ako ng dalawang anak na babae. Mahirap ang mag-asawa ng maaga. Hindi ko naisip na pati kawawang mga anak nadadamay sa hirap ng buhay.


ang aking mga princess
Year 2002 naisipan kong mag-abroad at sa tulong ng pinsan ko nakarating ako dito sa Singapore. Masakit sa kalooban ko na iwan ang mga anak ko. Hindi ko mapigil ang pagpatak ng mga luha ko, pero kailangan kong maging matatag ang itinanim ko sa isip ko I have to do this for the future of my kids at makakatulong na rin sa pamilya ko. Pagdating ko dito sa singapore. Chinese naging amo ko. Tripleng sakit ang naranasan ko. Sa bagong mundo na tinatahak ng buhay ko, ang pakikipagsapalaran sa ibang bansang di mo nakasanayan at sa mga taong di mo kadugo. Tatlo naging alaga ko aged 5, 3, and new born baby. Ang amo ko, inoorasan ang bawat galaw ko, ayaw nila ako mkitang umiiyak kung namimiss  ko ang mga anak ko tumatakbo ako sa banyo gusto ko isigaw isa-isa ang pangalan ng mga anak ko, tuwalya ang ginagamit ko pantakip sa bunganga ko maibsan lang ang bigat ng dibdib ko, pagkatapos ko umiyak maghihilamos ako para di makita ng amo ko. Paglabas ko ng banyo sabi ng amo ko "why you dreaming ah?, you never finish cleaning leh!" Ang sinasagot ko na lang "I got stomachache" ang sbi sa akin "ayah do ur work lah" wala silang pakialam apat na oras lang ang tulog ko gabi-gabi, mabunganga ang amo kong babae, pero nagtiis ako hanggang matapos ang kontrata ko. Bago ako umuwi ng pinas. 


ang aking mga kaibigan
Nag-apply ako papunta Hong Kong pero sa kasamaang palad naloko ako ng agency na pinag-aapplyan ko dito sa Singapore at my connecting branch sila sa pinas. Ang usapan namin ay 18 thousand ang sahod ko, 4 months salary deduction sa Hong Kong at nakapagbayad na ako ng $450 dollar dito sa Singapore. May amo na ako sa HK noon kaya naman nung pagdating ko ng pinas ngreport ako agad sa branch nila sa pinas pero iba na ang rules na sinasabi nila. I have to pay P25,000 and salary deduction for 6 months,  which I have to loan in the airport and will charge me for 50% and I must have relative or friends to be a garantor for my loan. Then I realized that it was a just a hoax and I thought na kung materminate ako, I will lose a lot of money, kaya di na ako tumuloy ng HK. Bumalik ako dito sa singapore at di ko na-refund ang perang ipinambayad ko sa agency pero ok lang, I just trust everything kay God. Then my 2nd employer was a Chinese again. Another pakikisama, mabunganga pa rin ang babaeng amo ko, tatlong batang malalaki na  pero ang bunsong lalaki na 7yrs old ay may pagka-"abs" kung may gusto siya at hindi mo magawa kukuha siya ng kutsilyo at sasabihin "i will kill myself" or papatong siya sa bintana at sasabihin sa akin "i will jump down here in the window". Takot na takot ako kasi they are my responsibility na kung may masamang mangyari sa kanila ako ang may pananagutan. Kinalaunan natuklasan ko na ang katulong na pinalitan ko pala ay nagpakamatay at tumalon sa bintana. Para akong mabaliw nung malaman ko, nagsasalita akong mag-isa sa kuwarto ko kinakausap ko ang kaluluwa ng nagpakamatay na pinalitan ko, yakap ko ang bible at prayer book magdamag. Kaya pala ganun na lang ang bata. kinausap ko ang amo ko sa pinaggagawa ng anak nila para atleast alam nila. Hanggang sa matapos ko ang kontrata ko, lumipat ako ng amo. At sa awa ng ating Panginoon Hesu Kristo. Nagkaroon ako ng expat family itinuring akong part ng family nila, nakapagpatayo narin ako ng munting bahay ko, napatapos ko na rin ang pangalawang bunso naming kapatid ng IT, at tumutulong ako magpaaral sa bunso naming kapatid na ngaun ay kumukuha ng Business Administration. Next year my sarili na rin akong college student, my own daughter. 



Eto na rin po  siguro ang kasagutan ng mga sakripisyo ko. And I know God will help me to survive and to give me strength and guide me sa lahat ng pagkakataon. Maraming salamat po. 


God Bless Us All. ^o^
~ maryjane


Enhanced by Zemanta