Tara! Kwentuhan tayo!

Kabayan, share nyo dito mga kwentong OFW nyo,

Sabay tayong matawa, mainis, at maiyak sa mga kwentong OFW nang bawat isang OFW na nagsusumikap maiahon ang Pamilya.

Makishare na sa mga kwento nyo, at naway maraming mga kababayan natin ang mkapulot ng aral, at masasabi nilang hindi madali maging OFW

MABUHAY ang mga OFW!

send nyo sa facebook account ko as message
include pictures if you want


Showing posts with label maltreated domestic helper. Show all posts
Showing posts with label maltreated domestic helper. Show all posts

Saturday, July 9, 2011

My Life as an OFW by Didith Aurel

My life in Saudi is not easy! I work in Saudi last 2004. I dont have any idea what is Saudi. Pagdating sa airport una kong napansin hinihiwalay ang babae sa lalaki. Late kami nasundo ng employer namin. Then paglabas namin ng airport kasama na namin ang aming amo. Gulat ako sa mga lalaki naghihintay dun ibat ibang lahi na parang ngayon lang sila nakita ng babae naka jeans. Tapos kinabukasan linis na walang humpay mula 8 am until 4pm walang break. Then kinagabihan na meet ko ang amo kong babae na sobrang maldita. may anak sila mag 2 yrs old na na pakabait (baligtarin ang mabait). Di ako nagtagal sa amo ko na ito kasi nag aaway kmi pinagseselosan me na walng dahilan. Akala ko yung katarayan ko pwede sa saudi d pala baka mabaon me sa desyerto ng buhay. So sabi ko sa amo ko ibalik ako sa pinas. Di ako binalik sa pinas dinala me sa agency sa Riyadh para may ibang amo na kukuha sakin at maibalik yung nagastos nila. 

Sa agency ng mga katulong sa riyadh nag stay ako ng isang buwan. Dito sa agency sobrang nahirapan ako kasi lahat ng lahi magkakasama sa iisang room na mahigit 50 person walang kumot or unan, paupo lang pagmatutulog. kakain kyo iisang plagana nakakamay pa at kanin na ewan at ulam ay talbos ng sibuyas. Dahil gusto ko magsurvive kumakain me sabay tulo luha ko. Maghapon kmi naglilinis ng bahay ng may ari ng agency tapos mga 5 pm dalhin kmi sa opisina nila para ihilera sa mga madam na naghahanap ng katulong. 

Dito sa agency madami ako na meet na pinay. Si Rose, pinagsamantalahan ng anak ng amo niya kaya binalik sa agency. Si ate Jen nabaliw sa homesick ayaw pauuwiin ng amo kasi gusto mabawi ang pera kaya dinala sa agency. Si ate jen nakakaaawa talaga sya kasi gusto nya na umuwi. Di mo mate-take ang pinag gagawa niya sa sarili nya. Si ate anna sinasaktan ng amo. may mga pinay na pumapayag pagalaw sa may ari maging maayos lang ang trato sa agency or makuha agad ng ibang amo.

Doon sa agency ding yun nakita ko na di lang life ng pinay kundi Indonesian, Sri-lankan, Indian at Bangladeshi kung paano din sila inaabuso ng mga amo nila. Sampu kami pinay na nandun sa agency ibat ibang storya bakit ng abroad. Kada lingo may umaalis may dumarating. Sa tanda ko ako yung pinakabata sabi nila parang inutusan lang ako ng nanay ko bumili sa kanto. wala sa mukha ko na 24 na me. Naubos na luha ko d na ako makaiyak kasi kapag nakikita ko yung ibang kasama ko na mas worst ang kalagayan, nagdasal na lang ako na nawa ay malagpasan ko ito at may amo na magkagusto sa akin at kunin ako. Dininig ng Diyos ang dasal ko. April 3O may among kumuha skin tuwang tuwa ako ksi makakalis na ako sa lugar na yun na hayop ang turing sa amin. Na kundi sa amin wala silang pera. 

Nagsimula ako sa amo mabait nman kahit papaano 3 kmi katulong ako lang ang pinay 2 Sri-lankan. Dahil bago ako, lagi akong inaaway nung mga kasama ko. Umiiyak ako lagi pero d ako sumuko ayoko bumalik ng agency. After 2 month ok na kami ng mga kasama ko pinagtatakpan ko sila sa mga kalokohan nila. Kahit mahirap ang work sa amo ko kasi mag start me ng 7 to 4 pm tapos 6 pm to 2 am. Tiniis ko yun at kung minsan dinadala ako sa anak nya na may asawa para maglinis din. Di na ako nagreklamo, mas mahiap kapag buwan ng Ramadan lalo na kung di ka muslim, ikaw lahat gagawa ksi mga kasama kong Sri-lankan muslim sila kya mabait amo ko sa kanila.

Pagdating ng month ng July 2004 umalis ang amo ko nagbakasyon sila sa Swistzerland kasama nila isang Sri lankan na si Kadija, so naiwan kami ni kandi sa riyadh pinagtag isahan kami ng anak ng amo ko na may mga asawa. August bumalik si Kadija ng riyadh nasa Lebanon ang amo ko. Ako nasa anak ng amo na si Noora. Si Kandi at Kadija magkasama sa anak ng amo ko na si Nahla. Inutusan si Kandi at Kadija na maglinis sa malaking bahay ng amo nmin. Dahil may cell si kadija tinawagan nya BF niya na pumunta dun sa bahay. Nahuli sila ng driver. Nakulong si Kadija pati BF nya. After ng incident na yun mas lalo kmi hinigpitan ng amo ko. nakakalabas kmi every 4 months instead na every month,  walang cell. After 1 year dun ko pa lang nakausap parents ko wala ko ginawa kundi umiiyak. Si Kandi umuwi ng Sri-lanka nung nagkaroon ng Tsunami kasi nahihirapan na. Ako nagtiis lang kada buwan ng papalit kmi ng kasama sa bahay. July 2005 dinala ako ng amo sa Switzerland. Dun nagbago life ko. 

these are my friends here in Switzerland
There are 2 incident in the agency that I would never forget. My 1st week in the agency. meron isang Indian woman mga age 40 na sya, nasa isang sulok ako nun nilapitan nya ako, she speak a little bit english. She said, "don't worry everything will be fine". Then she said dont be sad in few day I'm leaving you here. She look so healthy then after 3 days she pass away. iyak ako ng iyak kasi nawalan me ng parang nanay at kaibigan. Na-shock ako talaga, di namin alam kung binalik sya sa bansa nila. Dun tumapang ako, di mo alam kung san dadalhin labi mo lalo pa walang alam ang family mo kung ano nangyayari sayo. Then after 2 weeks meron isang Bangladesh na dumating as in nabaliw sya kasi minamaltrato siya ng amo di sya pinapakain at sinasaktan yung katawan may paso at yung kamay nya bulok dahil di nag gloves habang gumagamit ng product na panglinis, walang gustong lumapit sa kanya dahil madumi sya salita sya ng salita sa isang sulok. nilapitan ko sya kinausap ko sya. I told her dont worry you can come home soon, parang naintidihan nya ako, hinawakan nya kamay ko, 2 days siya nag stay dun inaasikaso ko sya, then nakauwi din siya kasi yung embassy nila dumating sinundo sya.


Sa Saudi madami me akong natutunan. Nawala katarayan ko at pati pride ko nilunok ko mag survive lang. Natutuo akong magdasal sa sarili ko lang. Mas pinahalagahan ko yung parents ko, kasi pasaway me sa nanay ko eh. Kasi kapag nasa abroad ka ma-realize mo mga mali mo. Nang dinala ako ng amo ko sa Swiss sinabi ko sa sarili ko na di na ako babalik ng Saudi ulit. I always pray na sana give me a sign kung dapat me tumakas sa amo ko. Then July 10, 2005 pinatangkaan ako ng amo kong lalaki pero lumaban me kaya di xa nagtagumpay. Nakatakas ako sa kanya den nagkulong ako sa room ko. July 11, 2005, wala pa akong tulog since ng July 10, 2am tumakas ako dala ko lang isang back pack at 150 euro, medyo malayo kami sa city nun. Naglalakad ako then may dumaan na taxi pumara ako, umiiyak ako nun. naawa ang French driver sa akin. I told im goin to Paris. Please help me to go to train staion going to Paris. Then he helped me, ang bill ng taxi ko is 30 euro sabi nya 10 na lang, then he wished me luck. Then sa train station in Bellegarde sa Swiss di ako makabili ng tiket kasi wala akong passport, then I ask again for help someone na ibili me ng tiket. Then sa train ng pray ako, sana walang check point na maghanap ng passport. That day safe akong nakarating ng Paris. Wala akong kakilala dito sa Paris pero ang Filipino Community dito matulugin. Inampon ako ng isang pamilya dito na taga Cavite. Tumira ako sa kanila ng 1 month hanggan makakita me ng work at tirahan ko. Dito ako na homesick kasi biglang nag iba yung inviroment tapos lagi akong may bad dreams kasi bumabalik skin yung naranasan ko sa saudi. After 3 months naka adjust na ako. sa saudi wala akong naipundar kasi d binibigay ng amo ko ang sahod nmin. Dito sa Paris napa aral ko yung mga kapatid ko sa college naging maayos buhay ng parents ko sa pinas kahit paano.


Mabuhay ang OFW!


-Didith Aurel






Thursday, June 30, 2011

Ang Kwento ng aking Buhay OFW

This is the first letter sent from an OFW reader of this blog.

   Ako po si Jeanne fe P. Salubre ng Maco, Compostella Valley Province. Sa unang pagkakataon dito ko lng maihayag ang mga karanasan na dinanas ko bilang OFW na puno ng hirap,pagud,sakit at saya sa buhay na akin natamo. Ang nag tulak sa akin na mangibang bansa ay ang aming kahirapan lalo na ako ang panganay sa anim na magkakapatid. Nag umpisa ito nong namatay ang aming ama, gagawin mo ang lahat para magampanan mo ang tungkulin bilang panganay at matulungan ang akin ina. Umalis ako sa lugar namin at pumunta ng Manila di ko alam kung ano ang nag hihintay sa akin doon basta ang alam ko na maka pag ibang bansa ako. Di ko naranasan ang takot at kaba kung ano mang yari sa akin basta ang nasa isip ko ay matulungan lang ang aking pamilya at mga kapatid ko na makatapos sa pag aaral nila at syempre kunting angat naman sa buhay.
     Nakahanap ako ng pag applayan papunta sa SAUDI....at kampanti ako kasi kakilala ng aking aunty so sabi nila dilikado sa SAUDI pero di ako naniwala kasi ito na yon ang blessings ng aking buhay at matupad na ang aking mga pangarap. Sa buhay kasi minsan lng darating ang swerte kaya grab na wala ng pag alinlangan. Oo totoo swerte talaga ako kasi biruin mo libre ako lahat ang amo nag bayad sa lahat ng gastusin ko paalis ng SAUDI hehehe.. ang saya saya ko noon kasi kung mag bayad ako san naman kaya ako kukuha ng pangbayad kakamatay lng ng akin ama at baon pa kami sa utang. So yon nga to make it the long story short nakaalis ako ng pinas at naka punta sa SAUDI .
       March 14 2002 dumating ako sa SAUDI at ang saya2x ko kasi sa wakas ito na, nag umpisa na ang aking buhay bilang OFW hhehheheh.....may mga kasama din ako mga iba pang mga pilipina , pag baba namin pumasok kami sa isang room na doon namin hintayin ang mag sundo sa amin nag hintay lng din kami doon at nag usap usap tungkol sa buhay ng may buhay......di nag tagal dumating na ang mag susundo sa amin at binigyan kami ng abaya para suot namin kasi bawal daw lumabas na walang abaya dapat maka abaya kami.. natawa kami kasi alam muna una pa lang namin na mag suot ng abaya at balot na balot ang init pa naman . Dumating na kami sa bahay at 5 kaming pilipina mag kasama so hindi masyadong  nakakamiss sa family mo kasi masaya kayong nag kwentuhan sa buhay sa pinas.
           Naka stay ako sa SAUDI ng 4 months sa bahay lang lagi di maka labas kung makalabas lng pag sahuran at makaabaya pa. Sarap ng buhay walang trabaho pero tumatanggap ng sahud hehehe.... pag kain namin puro manok, tutubuan na ata ako ng balahibo sa kakain ng manok.. di rin ito nag tagal kasi darating na ang amo ko at tapos na ang maliligayang araw.. mag tatrabaho na ako bilang nanny hahahayyy buhay...dumating sila at nag stay ng 1month din pag katapos ay sumunod ako sa kanila sa UK at doon na nag umpisa ang kalbaryo ng buhay ko trabaho bilang nanny at di biro ang pagiging nanny sa bata na may edad 4yrs old. 



Ang naging buhay ko sa UK. Ang saya-saya ko ng makarating ako ng UK, sa wakas nasa London na ako makikita ko na rin ang mga magagandang tanawin na sa mga pelikula ko lang nakikita. Hanep, ang laki ng bahay ng bago kong amo. Pero hanggang pangarap lang pala ulit yun, isa na nmang kalbaryo ang aking naranasan. nakakulong lang ako sa bahay, hindi ako pinapayagang makalabas, sunod ka lang ng sunod sa binabantayan mong bata walang pahinga, mula 7am - 10pm. Halos walang oras para kumain, mabakante lang ng sandali ay kung anu-ano na ang inuutos. Kaya minsan nagkukunwari nlng ako na naiihi, pagpasok ko ng banyo, doon na ako kakain ng mansanas kahit papaano ay magkaroon ng laman ang sikmura. Halos araw araw ko yon ginagawa para lng mabuhay .  Ang mga pag kain na kinakain ko ay puro mga tira sa mga amo kung tapos na silang kumain kung wa lang tira tinapay at prutas na lng ang kakainin nag tiis ako  para lang maka pag ipon ng pera at maka padala sa pinas. May mga panahon pa na sasaktan ka ng bata at babastusin pero tiis lang din kasi wala akong laban sa kanila. Wala nga din pala akong kwarto mga gamit ko nakatambak lng sa attic nila at matulog ako sa sahig ng room ng bata na inaalagaan ko. Minsan isama karin sa restaurant na kakain sila at ikaw papakainin mo ang bata at wala man lang pag kain na para sa iyo. Manunuod ka lang na kumakain sila. Mga walang puso. naka pagtiis din ako ng 1yr sa kanila. Nag anap na din ako ng bagong amo at ito ang pinakamasaya kasi kung gaano ako naghirap sa amo ko nong una dito sa pangalawa ay mapag mahal at maunawain at mapagbigay at makisama sa mga tulad ko..













             Sa pangalawa kong amo ay may 4 na anak mga canadian citizen sila nag apply ako bilang katulong sa kanila dito gumanda ang aking buhay. May sarling room ako weekly ang sahud ko dawalang araw ang dayoff ko at monday to thursday lng ako mag trabaho kasi every friday may pupunta sa bahay mag lilinis dati ni lang tagalinis nung wala paako pero pinatuloy parin nila kahit nan dyan na ako sa bahay nila magaan lng ang mga trabaho ko kumpara sa una. Libre ako sa pag kain din at may one month holiday with pay din ako sa kanila. Dito nag umpisa ang magandang buhay naka pag pasyal ako sa lahat na mga pasyalan sa london, nag karoon ako ng mga kaibigan at naka pag padala pa  ako sa pinas ng package. Sinasama nila ako kung lalabas sila, kumakain ako sabay sa pamilya nila para na rin ako isa sa pamilya nila ang turing nila sa akin. Pero di lng nga ako nga tagal sa kanila kasi babalik na sila sa Canada for good na sila doon. Hindi din nila ako pinahirapan sila na ng hanap sa akin ng aking malilipatan ng trabaho. Hanggang 1yr lng din ako sa kanila. pero masaya na din ako kasi may bago na din ako na amo.

>>>itutuloy