Apat na taon na akong nagpapasko dito sa ibang bansa. Sa lugar pa ng mga taong iba ang pananampalataya. Hindi sine-celebrate and pasko dito sa Kuwait dahil halos karamihan ng mga tao dito ay Muslim.
Pero sa kagandahang palad, nirerespeto din naman nila ang pag celebrate namin dito sa Kuwait. Kaya kami ay pinapa half-day ng pasok para makapagprepare man lang ng kunting pagkain pang noche buena.
Kakaiba pa rin yung nasa Pinas ka kasi kasama mo yung mga mahal mo sa buhay sa gabi ng pagsasalu-salo. Dito ang mga kasama mo ay mga katrabaho at kaibigang, katulad ko ring naghahanap ng kunting kasayahan sa araw ng pasko. Kung pagkain man lang ang pag uusapan, wala sa katiting yung mga handa dito.
Sa paramihan ng pagkain, ay talagang mas marami ang niluluto dito, kaya masasabi ko sa sarili ko, mali pala yung iniisip ko dati nung nasa Pinas pa ako. Kasi ang hinahintay ko lang ay ang pagkain sa noche buena. Kahit kunti lang ang handa, ang pinaka importante pala sa noche buena ay hindi yung busog ka, kundi maging masaya ka kasama yung mahal mo sa buhay na masaya ring kasama ka.
Sabay mo na nagsisimba, sabay mo na nanood sa labas ng bahay yung mga kumukutitap na ganda ng mga ilaw, ang mga ingay ng mga paputok, ang mga nangangaroling at ang pagbibigay sa kanila ng chocolates, candy o di kaya kunting barya. "thank you, thank you...ang babait ninyo thank you" sambit pa nila.
Kaya mas lalo akong magsisikap at mangangarap na minsan sa darating na takdang panahon ay makakapiling ko muli ang mga mahal ko sa buhay. Ang aking NANAY, TATAY at aking mga kapatid, sa ARAW NG PASKO.
~Ernest Greg "biboy" Aguirre